Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Aga Muhlach Lea Salonga
Aga Muhlach Lea Salonga

Aga, excited na muling makatrabaho si Lea

Back to work na si Aga Muhlach sa Kapamilya Network. Tuwang-tuwa si Aga nang makita namin sa isang pasilyo ng network na matagal din niyang hindi napasyalan. r

Almost six years din siyang nag-rest at nagtanggkang lumipat sa ibang TV network pero mas pinili na muna ni Aga na magpahinga kasama ang pamilya gaya ng asawang si Charlene Gonzales para mas masubaybayan  ang kanilang kambal na anak.

Sa ngayon ay malapit nang mapanood si Aga bilang pang-apat na hurado ng reality show, ang Pinoy Boyband Superstar. Makakasama niya rito bilang kapwa hurado sina Vice Ganda, Yeng Constantino at ang nagbabalik din na si Sandara Park ng girl group na 2NE1.

Masayang-masaya rin ang on screen partner niya sa pagbabalik-showbiz ng host-actor, na si Lea Salonga na nakatambal niya sa mga pelikulang  Sana Maulit Muli, at Bakit Labis Kitang Mahal.

May niluluto din daw na movie ang Star Cinema ngayong 2016 at posibleng magbalik ang tambalan nila ni Lea. Bakas sa mukha ni Aga ang matinding tuwa. Para siyang nagising mula sa mahimbing na pagkatulog! Pak ganern!

NO PROBLEM DAW – Letty Celi

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Letty Celi

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …