NAGKUKUWENTO ang isang male star, inaalok daw siyang gumawa ng isang pelikulang indie. Pero hindi niya iyon tinanggap. Ang sabi niya, “magagawa ko naman iyon in private, pero para gawin iyon na marami ang makakapanood, hindi na. Para kang nag-call boy sa buong bayan.”
May katuwiran naman siya. Iba nga naman ang magagawa niya in private, pero sa pelikula minsan naman talaga grabe, kasi sex lang talaga ang ibinebenta nila sa mga pelikula nila. Eh iyang si male star, ang dinig namin mukhang tinitingnan din ng “female government official”. Siyempre behave na siya.
( Ed de Leon )