Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

#Hashtags, handang-handa na sa kanilang The Road Trip concert

HINDI na nga maaawat ang kasikatan ng all male boy group ngKapamilya Network  na napapanood  mula Lunes hangang Sabado sa It’s Showtime, ang #Hasthtag na binubuo nina Jamesong Blake, Nikko Natividad, Jimboy Martin, Mccoy De Leon, Luke Conde, Zeus Collins, Ronnie Alonte , Ryle Paolo Tan, Paulo Angeles, Jon Lucas, at Tom Doromal dahil mayroon na silang sariling concert, ang #Hashtags …The Road Trip concert  na magaganap sa September 24, 8:00 p.m. sa Kia Theater.

Ilan sa aabangan sa concert ng #Hashtag ay ang kanya-kanyang production number na talaga namang pinaghandaan at walang puknat ang kanilang dance rehearsal at voice lesson.

Bukod nga sa kanilang regular show na It’s Showtime ay kabi-kabila ang shows ng Hashtags kasama na rito ang promo ng kanilang album mula saStar Music.

May kanya-kanya ring raket ang members ng #Hashtag katulad na lang ni Ronnie na may dalawang movie na ginagawa at may solo concert sa October. Habang si Mccoy naman ay naging bida sa Wansapanataymafter niya sa PBB House kasama si Nikko. Si Jameson naman ay may indie movie ring ginagawa under Cinemone gayundin sina Jon at Luke. Ang iba naman ay kasama sa mga teleserye.

MATABIL – John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …