Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

James, give-up na kay Bimby

MASAKIT pakinggan ang sinabi ni James Yap na sa ngayon ay give up na siya sa anak na si Bimby. Sinasabi niyang sinisikap niyang makausap man lang iyon, pero mukhang wala siyang magawa. Mukhang nalalayo na sa kanya talaga ang bata. Kahit na mayroon siyang visiting rights sa kanyang anak, hindi naman nangyayari iyon.

Pero kung masakit iyon para kay James, ang mas masasaktan diyan ay iyong si Bimby.

Tanggapin natin ang katotohanan, ang isang bata ay dapat na lumaking kasama ang kanyang ama at ina. Kung sakali man at malagay sa sitwasyon na nagkahiwalay ang ama at ina, dapat nadarama pa rin ng mga anak ang kalinga ng kanyang mga magulang. Hindi puwede na tatay lang, o nanay lang. Hindi puwedeng magkaroon ng substitute sa tatay o sa nanay. Hindi mo masasabing aalagaan naman siya ng tiyuhin niya. Iyong mga bata na nagkaroon ng ganyang sitwas-yon sa buhay ang siyang nagiging problema sa kanilang paglaki. Kasi hindi nagiging normal ang buhay nila.

Iyong isang anak ni Kris, hindi naman problema iyon kahit hindi nakikita ang tatay niya, kasi talaga namang may kaunting problema siya sa kanyang pag-iisip, hindi na maaapektuhan iyon ng ganyan. Pero iyong si Bimby ay normal, tiyak na may epekto sa kanya ang hindi pagkakasundo ng mga magulang niya at ang kawalan niya ng identity sa tatay niya. Maski na sinong child psychologist, ganyan din ang sasabihin.

Sa buhay ng isang tao, hindi masasabing ang mahalaga lang ay may pera siya, nakakakain niya lahat ng gusto niya, nabibili niya lahat ng kailangan niya at kahit na hindi kailangan. Hindi pera lang ang kabuhayan. Ang buhay ay higit na madarama sa relasyon sa kanilang mga kaanak, kaysa pera.

Ang dami ngang nabubuhay sa kalye lang eh, pero buo ang pamilya.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …