Friday , November 15 2024

Winners sa casino balak raw buwisan ni Sec. Dominguez

00 Kalampag percyPLANO raw ni Department of Finance (DoF) Secretary Carlos Dominguez na patawan ng buwis ang mga panalo sa casino na makatutulong para mapataas ang koleksiyon at masuportahan ang mataas na gastusin ng pamahalaan sa susunod na taon.

Maganda sana ang panukala ni Dominguez, kung ang intensiyon kaya itinayo ang mga casino ay para magpatalo lang ang operator sa mga manunugal at hindi para kumita.

Alam kaya ni Dominguez na itinayo ang mga casino para kumabig ng pera kaya nga ‘di hamak na kakaunti ang nananalo kaysa natatalo dahil ang rules o mga tuntunin ay laging pabor sa bangka o nagpapasugal?

Halimbawa, sa sugal na baccarat ay dalawa lang ang pagpipilian ng puntos o mananaya – ang banker o player.

Sa pagkakaalam natin, agrabyado agad nang 10 porsiyento ang puntos na ibabawas kung banker ang tinayaan at nanalo.

Kaya lamang na lamang ang casino laban sa mananaya.

Baka sa sanlibong beses na pagkatalo ng mga sugarol sa casino ay minsan lang siya tatama o mananalo.

Kapag nanalo naman ang sugarol, babalik at babalik din siya sa casino para muling magsugal at ipatatalo ang minsan na niyang napanalunang kuwarta.

Sa isang pag-aaral na aking nabasa, marami raw sa mga adik o gumon sa bisyong pagsusugal ang mas nakadarama ng kaligayahan ‘pag natatalo kaysa nananalo.

Ibig sabihin, ang kanilang panalo ay ibinabalik din nila sa mga pasugalan o casino hanggang mamulubi dahil sa kanilang bisyo.

Kaya imbes panalo ng manunugal ang puntiryahin ni Dominguez, bawa’t panalo dapat ng casino ang patawan ng karagdagang buwis.

Sa gobyerno, hindi puro talino lang ang kailangan kundi mas importante rin ang paggamit ng sentido-kumon.

MGA ‘NINJA’ SA CASINO

Kung may isa pang dapat buwisan at i-monitor ng pamahalaan, ito ay walang iba kundi ang mga FINANCIER at JUNKET OPERATORS na nagpapautang sa mga manunugal.

Sila ang mga TAX EVADER na LOAN SHARK na nagkakamal nang limpak-limpak sa ilegal na negosyo ng pagpapautang pero wala naman napapakinabang ang pamahalaan sa kanila.

Matagal na naming binobomba sa diyaryo at sa aming programa sa radyo ang katarantaduhang na hinahayaan lang mamunini ng gobyerno, partikular ng DoF at Bureau of Internal Revenue (BIR).

Nagkalat kung saan-saang casino sa bansa ang mga financier, lalo ang mga dayuhang Chinese mula sa China na kalimitang pinagkakakitaan at gatasan ng mga tiwali sa Bureau of Immigration (BI) at ilang law-enforcement agency natin.

Mabuti pa sa kanila ang maliliit na kababayan nating may sari-sari store, nagbabayad ng business permit at buwis sa pamahalaan.

Ni hindi nga negosyong maituturing ang munting tindahan na kanilang pinagkakakitaan dahil kusing at mamera lang ang tinutubo at kadalasan ay nalulugi pa sa mga pautang sa kapwa mahirap na kapitbahay.

Samantala, ang mga dayuhang financier, dalawang porsiyento ng kanilang pautang ang kinikita kada araw.

Kung ang financier ay may pautang halimbawa ay P1-M, kumikita siya ng P20,000 kada araw hanggang hindi nababayaran ang capital na perang inutang sa kanya.

Kung ‘di man bilyon-bilyon ay daan-daang milyones ang umiikot na pera sa illegal na negosyong ito sa loob ng mga casino araw-araw.

Ang koleksiyon na kinikita ng mga dayuhang financier sa kanilang pautang ay agad inire-remit palabas ng bansa kaya nasisiguro natin na ni kusing ay wala silang ibinayad na buwis sa pamahalaan.

Alagang-alaga ang mga damuhong financier na nagtatamasa sa lahat ng mga pribilehiyo sa mga casino, kasama na ang hotel accommodations at unli foods and drinks sa lahat ng bar at restaurants, sky is the limit pa.

Sec. Dominguez, hindi po ba ‘yan ay isang UNDERGROUND BUSSINESS at matatawag na ECONOMIC SABOTAGE?

PDU30 BINABALEWALA
NG BATANGAS MAYOR
NA MALIMIT SA CASINO

MINSAN nang nagbabala si Pang. Rody Duterte sa lahat ng sugarol na opisyal at empleyado ng pamahalaan na huwag na ‘wag magpupunta sa mga casino.

Paalala na lang kung tutuusin ang warning ni PDU30 dahil matagal nang ipinagbabawal sa batas sa sinomang opisyal at kawani ng pamahalaan ang tumuntong sa casino.

Pero balewala sa kanila ang batas at kahit pa nag-warning na si PDU30 ay may humahamon sa kanya at gusto siyang subukan.

Katunayan, minamaliit at ginagawa yatang biro ng isang alkalde sa lalawigan ng Batangas ang babala ni PDU30.

Kamakalawa ng hatinggabi, namataan na naman si Batangas mayor na halos gahasain ang mga makina ng slot machine ng DU FU DU CAI sa casino ng City of Dreams para tamaan ang jackpot na P33-M.

Sino nga ba naman ang hindi maaadik na mamuhunan nang milyon-milyon matapos tamaan ng nasabing alkalde ang halagang P34-M na jackpot ng DU FU DU CAI, ilang buwan na ang nakararaan.

Hindi kaya nakikinabang sa ilegal na droga at pasugalan si mayor kung kaya’t ganoon na lang kung magtapon ng salapi kahit umagahin sa pagsusugal sa casino?

Ala ‘e, hinahamon yata ni mayor si PDU30.

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG – Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *