Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dulce, ipinadi-delete ang post laban kay de Lima

KUNG naging usapan ang ginawang pagbubulgar ng singer na si Dulce laban kay Senator Leila de Lima sa kanyang social media account, ngayon naman ang pinag-uusapan nila ay ang mabilisang pag-delete niya sa post na iyon mula sa kanyang account mismo. Pero siguro nga masasabi ring too late na dahil marami na ang nakapag-save at nakapag-share ng kanyang post na iyon. Paulit-ulit din iyong inilalabas ng mga blogger.

Kung ano man ang dahilan ni Dulce at inalis niya ang kanyang post, wala na tayong pakialam. Siguro hindi naman niya inisip na lalaki ng ganoon ang issue. After all ang inilalabas mo naman sa mga post sa social media ay iniisip mong para lamang maiparating sa iyong mga friend kung ano ang iniisip mo at kung ano ang kuwento mo. Pero minsan nakakalimutan nila ang paglalagay ng restrictions, kaya ang mga post nila ay nabubungkal maging ng mga hindi nila friends. Iyan ang dahilan kung bakit kumakalat ang mga ganyang bagay.

Hindi kami naniniwalang natakot si Dulce, o may tumakot sa kanya. Palagay namin, kaya niya inalis na ay dahil na-realize niya na marami na pala ang nakialam sa kanyang posts, at hindi lamang binasa iyon kundi ipinasa-pasa na sa lahat.

Minsan may mga social media posts na ang iniisip mo, para sa inyo-inyo lang. Iyan din ang dahilan kung bakit may mga kumakalat na sex video. Kasi ang iniisip nila ok lang naman iyon dahil mga kaibigan lang nila ang makakakita. Pero hindi naisip na masisilip din iyon ng iba, maida-download at hindi magtatagal kakalat din naman iyan.

Mayroon ngang isang artists’ model na kinunan ng pictures habang siya ay nagmo-modelo para sa mga pintor. Kaso may nag-upload ng pictures na iyon. Kumalat ding bigla, ‘di napahiya pa siya.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …