Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Drug test

Mga artista ng Dos at Siete, isailalim sa mandatory drug test

MAGANDA iyong panukala noong isang araw ni Boss Jerry Yap, na sana bilang mga idolo at role model para sa mga kabataan at sa masa, pangunahan na ng mga artista, lalo na nga iyong mga nasa Kapamilya Network at Kapuso Network ang pagsailalim sa mandatory drug test. Siyempre ang kasunod niyon ay ang voluntary rehabilitation kung sakali na positibo sila.

Ewan lang kung mangyayari iyan boss ha. Kasi kung gagawin iyan sigurado kami na may ilang teleseryeng matitigil.

Hindi natin maipipikit ang ating mga mata sa katotohanan, na marami sa mga artistang iyan ay gumagamit ng droga. Kailangan na nga lang siguro nating tingnan kung ano ang mga balitang kanilang kinasangkutan in the past para malaman natin kung sino sa kanila ang nagdo-droga talaga. Mayroong open sa pagsasabing totoo, gumagamit sila. May nagsasabing totoo na nagpa-rehab na sila. Pero ang rehab ay hindi katiyakan na nagbago na nga sila. Marami ang bumabalik pa rin pagkatapos ng rehab.

May nagsabi nga sa amin, may ilang indie films na siguradong matitigil din, dahil ang leading lady ng mga iyon ay siguradong positibo rin naman sa droga.

Pero tama ka boss, hindi dapat itinatago iyan para malaman ng publiko na parehas lang. Kahit na artista sila basta gumagamit sila ng droga, hindi puwede iyan. Kaya nga hindi kami pabor doon sa sinasabi ni Robin Padilla na ang mga artista ay kausapin muna kung sakali at huwag ibulgar kung sino sila. Ibig bang sabihin papaboran ang mga artista? Ibig bang sabihin papaboran din ang mga pusher na supplier ng mga artista?

Kaya nga palagay namin tama iyang lahat ng mga artistang nasa drug list, lahat ng pinaghihinalaang pushers na nagbibigay ng droga sa mga artista, sabihin mang ang mga carrier lamang dahil hindi lahat ng nagsu-supply ng droga sa mga artista at models ay pinagkakakitaan iyon. May sinasabing nagbibigay sa kanila na iba ang kapalit. Gayunman, pushers pa rin iyon. Dapat na isailalim na talaga sa mandatory drug testing.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …