MAY panibagong ‘SEXPOSE’ si Pang. Rody Duterte na pinakawalan laban kay Sen. Leila de Lima sa isang presscon kamakalawa ng hapon sa Tagaytay.
Tinukoy ni PDU30 ang isang “WARREN” na umano ay ipinalit ni suspected illegal drugs protector De Lima sa kanyang ‘lover-driver’ na si Ronnie Palisoc Dayan.
Ayon sa pangulo, si dating Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chair Francis Tolentino ang nagbigay sa kanya ng impormasyon tungkol sa De Lima-Warren sexcapade.
Si Warren ay isang motorcycle escort o hagad ng MMDA, ang tanggapan na pinamunuan ni Tolentino bago tumakbo pero natalong kandidato sa pagka-senador sa katatapos na 2016 presidential elections.
Hindi pa natin makompirma kung ang Warren na ibinulong ni Tolentino kay PDU30 at ang WARREN CRISTOBAL na hagad ng MMDA ay iisa.
May balita kasi na isang Warren sa MMDA ang hiniwalayan ng kanyang maybahay dahil sa eskandalo ng pakikiapid sa isang opisyal ng Department of Justice (DOJ) noong nakaraang PNoy administration.
Ang Warren na iniuugnay kay De Lima ay asawa umano ng isang guro (teacher) at residente sa Maypajo, Caloocan City.
Dahil sa matinding sama ng loob, kusa nang humiwalay ang pobreng guro sa asawang si Warren dahil sa sobrang kahihiyan dulot ng eskandalo sa kanilang pamilya.
Ang malungkot na hiwalayan nilang mag-asawa ay nagdulot naman ng malaking pagbabago sa lifestyle ni Warren dahil sa bagong house and lot na iniregalo sa kanya ng haliparot pero galanteng hot mama na DOJ official.
Hindi pa ‘yan, may tatlong pampasehorong jeep na rin si Warren bilang bonus na pakonsuwelo sa kanyang serbisyo bilang motorcycle rider kung umaga at “diver” sa gabi ng DOJ official.
Ibinili rin umano si Warren ng isang bagong sasakyan na SUV kaya madali niyang nalimot ang mahabang taon ng kanilang pagsasama ng kanyang kawawang maybahay at pamilya.
Si Warren ang dahilan ng umano’y malalim na hidwaan sa pagitan ng haliparot na DOJ exec at former MMDA official na dati niyang ka-bonding.
IKA-7 UTOS: ‘WAG MAKIAPID;
MGA ‘TINOROTOT’ NI DE LIMA
WALA BA’NG HUMAN RIGHTS?;
IBINIBILANG na mabigat at malaking kasalanan ng Simbahan ang pagnanakaw.
Katunayan, dalawang taon pa bago ang nakaraang halalan ay naglunsad si Cardinal Luis Antonio G. Tagle ng kampanya na “HUWAG MAGNAKAW.”
Layon ng panawagan sa publiko, lalo sa mga Katoliko, na huwag iboboto ang mga kandidatong politiko na may record ng/o napatunayang nagnakaw sa salapi ng bayan.
Alam naman nating lahat na isa sa mga pangunahing batas na nakapaloob sa Sampung Utos ay mahigpit na ipinagbabawal ng Dakilang Lumikha sa sangkatauhan.
Pero kamakailan, akalain n’yo dear readers, si Fr. Atillano Fajardo, director ng Archdiocese of Manila’s public affairs ministry, ay pinayuhan pa si De Lima na balewalain daw ang imoralidad na pasabog laban sa kanya ni PDU30.
Hindi ba gaya ng pagnanakaw ay kabilang din na ipinagbabawal bilang Ika-7 Utos ang “HUWAG MANGANGALUNYA?”
Mantakin n’yo, pinalakas pa ni Fajardo ang loob ni De Lima at sinabing: “Dapat siyang magpakatatag dahil hindi madali ang ginagawa niya. Huwag patitinag ang ipinaglalaban niya ay para sa bayan.”
Ang masama, sa kabila ng paglabag ni De Lima sa ika-7 Utos, nagawa pang mangibabaw sa Pari ang pagdakila sa palsipikadong adbokasiya ni De Lima sa human rights.
Hindi ba ang Banal na Sakramento ng kasal ay Dakilang Lumikha mismo ang nag-imbento at nagsabing: “Ang pinagsama ng Diyos ay huwag papaghiwalayin ng tao.”
Hindi ba’t ang ‘driver-lover’ ni De Lima na si Ronnie Palisoc Dayan ay nawasak ang pagsasama at nahiwalay sa asawa dahil sa pangangalantari ni De Lima, tulad kay Warren?
Kaya pala naman maliban kay PDU30 at iilang matitinong nahalal ay hindi nagtagumpay ang kampanyang ‘Huwag Magnakaw’ ni Cardinal Tagle sa nakaraang halalan dahil sa mga tulad ni Fajardo na umiimbento ng sarili niyang utos.
Hindi ang klase ng pagkatao ni De Lima ang maaapektohan ng kahihiyan kahit ano’ng malaswang kababuyan pa ang mabulgar tungkol sa kanya.
Pero hindi imposibleng isang araw ay mapabalitang nagpakamatay si De Lima sa lakas at tibay ng mga ebidensiyang maglalabasan tungkol sa malawak na operasyon ng ilegal na droga sa New Bilibid Prison (NBP) na nagdurugtong habang siya ang nakaupong kalihim ng DOJ.
Gusto ko lang ibahagi ang isang masayang kuwentohan namin ni yumaong Comedy King Dolphy noong nabubuhay pa siya, nasabi sa akin na: “Alam mo ‘yang libog ay daig niyan ang takot.”
(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])
KALAMPAG – Percy Lapid