MALAKING tulong sa mga artista ang nagaganap na patalbugan ng dalawang giant network, ang GMA at ABS-CBN sa pamamagitan ng kani-kanilang teleserye na napapanood mula Lunes hanggang Biyernes.
Sa lakas ng ratings ng FPJ’s Ang Probinsyano na may iba’t ibang artistang naige-guest every week, umalma na rin GMA at nag-guest na rin sa Encantadia.
Nakatakdang mag-guest si Alden Richards sa Encantadia bilang Mulawin para humakot pa ng televiewers at inaasahang magtataas ng ratings ng serye na sinasabing hindi nakakaalagwa sa ratings.
SHOWBIG – Vir Gonzales