Friday , November 15 2024

Mga testigo, biktima ginagamit ni De Lima

00 Kalampag percyNAAAWA tayo sa mga biktima ng sinasabing summary execution na iniharap sa ipinatawag na pagdinig ni Sen. Leila de Lima sa Senado.

Wala silang kamalay-malay na ang minimithi nilang katarungan ay hindi matatamo sa pamamagitang ng Senate o Congressional investigation kung ‘di sa proseso ng batas.

Sa ngayon, hindi pa muna nila mahahalata ang tunay na pakay kung bakit sila ipinaparada para humarap at isalaysay ang kanilang trahedya sa imbestigasyon ni De Lima.

Sa tingin pa lang, ang talagang pakay ni De Lima ay gamitin ang mga ulilang biktima na panangga sa mga paparating na kasong maglalabasan laban sa kanya.

Ginagamit ni De Lima ang pera ng bayan para sa sarili niyang interes para siraan ang kredibilidad ng mga nakalap at kinakalap pang mga ebidensiya at testigo laban sa kanya na isang “suspected illegal drugs protector” ng mga bilanggong drug lords sa New Bilibid Prison habang siya ang noo’y kalihim ng Department of Justice (DOJ).

Hindi naman Senado ang maghahanda ng anomang reklamo sa pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa sinomang mga nagkasala sa batas.

Nagpapanggap lang na investigation in aid of legislation ang pakay ni De Lima na sa katotohanan ay ginagamit lang niya itong LEVERAGE at paraan sa pag-aakalang iaatras ang inihahandang mga kaso laban sa kanya.

Kung ako si Pang Rody Duterte, magtatayo ako ng isang commission para magsilbing dulugan ng reklamo at umasiste sa mga biktima ng summary execution na tatagal lamang habang ipinatutupad ang kampanya laban sa droga.

‘Pag nangyari ‘yan, wala nang iimbestigahan si De Lima at hindi na niya magagamit ang mga kaawa-awang biktima sa kanyang katarantaduhan.

$81-M BANK HEIST: DEGUITO KULONG MASTERMIND BIDA

NAKABIBINGI ang katahimikan kung paano naaresto sa kasong “perjury” si dating Rizal Commercial Banking Corp. (RCBC) Jupiter branch manager Maia Deguito noong nakaraang linggo habang namamalengke sa isang supermarket sa Makati.

Si Deguito na kasama sa $81-M money laundering scandal na inimbestigahan ng Senado ay dinakip sa bisa warrant of arrest na pinalabas ni Judge Eduardo Cruz Solangon Jr. ng Pasay Regional Trial Court Branch 46.

Natitiyak nating panghihiya ang tunay na pakay sa ginawang pag-aresto kay Deguito sa mababang kaso ng perjury o “pagsisinungaling” na may katumbas lamang na piyansang P6,000.

Inabot ng after office hours o pagsasara ng mga opisina kaya sa presinto na natulog si Deguito at kinabukasan na nakalaya pagkatapos makapaglagak ng kanyang piyansa.

Ayon sa kanyang kampo, wala silang alam na may kaso palang inihain laban kay Deguito.

Hangga ngayon nga, wala pang balita kung sino ang nas likod na naghain ng reklamo laban kay Deguito kaya nasampahan siya ng kaso sa hukuman.

Ang nakapagtataka, nang dalhin sa presinto si Deguito ay naghihintay na kanya ang mga miyembro ng media na tila hindi yata interesadong magbalita o kahit mag-follow-up para malaman at maipaalam din sa publiko kung sino ang mahiwagang complainant.

Masyado bang makapangyarihan at maimpluwensiya ang nagpakana ng kaso laban kay Deguito na ang pakay lamang ay ipahiya si Deguito sa walang kakuwenta-kuwentang kaso ng perjury?

Lumalabas na sumampa sa hukuman ang kaso na hindi nagkaroon ng pagkakataon si Deguito na magsumite ng kanyang counter affidavit upang masagot ang reklamo laban sa kanya.

Hindi ba ang pag-aresto at pagsisilbi ng warrant of arrest ay ipinababawal isilbi tuwing weekends at after office hours sa mababang kaso tulad ng perjury at libel upang bigyan ng pagkakataon ang sinomang akusado na makapaglagak ng piyansa?

Si Deguito ang maituturing na pinakamababa ang partisipasyon sa sabwatan ng nabukong money laundering at pinakamalaking pagnanakaw sa kasaysayan ng bangko.

Pero ang mga ikinanta niya bilang testigo ang lumalabas pa ngayong mga bida at bayani.

Sa takbo ng pangyayari, mukhang may dapat paimbestigahan si Department of Justice (DOJ) Sec. Vitaliano Aguirre II.

LUSOT ANG PHILREM; ASTIG SI KIM WONG KAY PNOY AT PDU30?

KASABAY nito ang ng balitang ibinasura naman ng DOJ ang bigtime naP35.61-million tax evasion case na isinampa ng Bureau of Internal Revenue (BIR) laban sa Philrem Service Corp. kaugnay ng paglalabada sa $80.9-M na salaping ninakaw sa Bangladesh Bank.

Ang nakatutuwa pa, ang junket operator na si KIM WONG, kumbaga sa pelikula, ay siya pa ngayon ang bidang-bida sa nabukong heist o pinakamalaking pagnanakaw ng pera sa kasaysayan ng bangko.

Higit pa nga sa bayani ang mga papuri kay Wong sa media dahil sa pagkakasauli niya sa gobyerno ng malaking halaga mula sa ninakaw na salapi sa bansang Bangladesh.

Totoo kaya ang balita na mabibigat ang kapit ni Wong sa dating administrasyon ni PNoy at pumapadrino sa kanya ngayon kay Pang. Rody Duterte.

Naisip tuloy natin na baka naman ibang planeta talaga ang Filipinas at hindi isang bansa gaya nang alam natin dahil sa klase ng hustiya at katarungan meron tayo.

Hindi kaya lahat tayo dito sa bansa ay pawang nagpapanggap lang na naghahangad ng tunay na pagbabago para magmukhang tao pero sa katotohanan ay mga alien pala talaga na nagmula sa “Planetang Hindoropot”?

Hehehe!

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG – Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *