Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Actor Jake Vargas attends the interment of late German 'Kuya Germs' Moreno at the Loyola Memorial Park in Brangka, Marikina City on Thursday. (JOHN JEROME GANZON)

Jake Vargas, zero pa rin ang lovelife

MALI raw ang balitang may non-showbiz girlfriend na ang Kapuso Teen actor na si Jake Vargas dahil until now ay single pa rin siya simula nang mag-break sila ni Bea Binene.

Ayon kay Jake, ”Wala akong lovelife ngayon, matagal ng wala.

“Nagulat nga ako sa balita na may non-showbiz girlfriend ak , kasi wala naman talaga.

“Siguro ‘di pa time, ayaw ko naman madaliin. Hindi naman kasi ibig sabihin na wala ka ngayon kailangang maghanap ako.

“Naniniwala kasi ako na hintay-hintay lang at darating din ang tamang tao para sa ‘yo.

“Eh wala pang dumadating ha ha ha , kaya heto naghihintay lang.

“Sa ngayon trabaho lang muna ‘yung  pinagkakaabalahan ko.”

Sa ngayon ay happy si Jake dahil may bago siyang soap bukod sa regular show nito. ”Nagpapasalamat ako, kaso lagpas isang taon yata akong nawalan ng soap.

“Buti nga may bago na akong serye, may bagong trabaho ulit.”

Excited nga siyang makatrabaho ang anak nina Janice De Belen at John Estrada, si Inah De Belen. ”Excited po ako makatrabaho si Inah, kasi first time ko siyang makakatrabaho.

“Hindi pa kami nagsisimulang mag-taping, pero nagkakasama na kami sa workshop.

“Okey naman siya, mabait, maganda, at magaling umarte mana sa parents niya na mahuhusay umarte.”

Sa kabilang banda, willing pa rin siyang makatrabaho si Bea Binene. ”Oo naman okey sa akin na makatrabaho si Bea.

“Sa akin kasi, past is past matagal-tagal na rin naman ‘yun since naghiwalay kami.

“Pareho naman kaming professional at mahal namin ‘yung trabaho namin kaya alam ko na wala ring problema if may proyekto kaming pagsasamahan.”

MATABIL – John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …