Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aga, makatutulong para maibangon ang industriya

MARAMI ang nagsasabi, sana naman daw iyang pagbabalik showbiz ni Aga Muhlach ay maging tuloy-tuloy na. Una, kailangan ng mga mahuhusay na artista. Aminin natin iyan. Marami tayong mga artista na wala namang alam kundi ang magpa-cute lamang. Aminin din naman natin, marami tayong mga artistang magagaling umarte, hindi naman cute sa paningin ng publiko kaya ayaw ding panoorin.

Sinasabi nga nila, bihira iyong guwapo na marunong umarte, kaya basta may ganoon asahan mo iyan ang maaaring kumita ang pelikula. Nitong mga huling panahon, with apologies to others na kakilala rin naman namin, aba eh dalawa lang ang nakita naming ganyang klase, sina Aga  at Richard Gomez. Iyong iba, sad to say, kabilang sa ibang kategoryang sinabi namin.

Si Goma naging aktibo na naman sa showbiz for a while, pero ngayon talagang concentrated siya sa kanyang trabaho bilang mayor ng Ormoc. Si Aga muntik na ring agawin ng politika eh. Kaya ngayon marami ang natuwa na kung nawala man si Goma dahil sa trabaho niya bilang mayor, nagbalik naman si Aga.

Pero si Aga hanggang ngayon, mukhang tine-testing pa rin ang takbo ng showbusiness. Hindi mo naman siya masisi dahil tatlong taon siyang nagpahinga sa trabaho. Tinanggap niya ang pagiging judge roon sa Pinoy Boyband Superstars, dahil isang paraan iyon para makita kung ano ba ang pagtanggap sa kanya ng publiko.

Sigurado naman kami, batay sa nakikita naming reaksiyon ng mga tao sa pagbabalik ni Aga na hindi magtatagal at gagawa na ulit iyan ng pelikula, o baka makasali pa sa mga teleserye. After all, sa rami ng mga teleserye ngayon, kulang na kulang ng mga aktor na maaaring leading men.

Pero kung kami ang tatanungin, ang wish namin, pelikula ang gawin ni Aga dahil maaaring iyan ang magbangon ng industriya na hindi makatayo dahil sa kawalan ng artista, at kawalan ng mahuhusay na proyekto. Hindi naman maibabangon ang industriya ng mga pelikulang indie, na binarat ang budget at ang mga artista ay mga “has been”, “never was”, o “never will be”.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …