Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagbabalik-showbiz ni Aga, suportado ni Charlene

ISANG bonggang solo presscon ang ibinigay ng unit ni Lui Andrada kay Aga Muhlach bilang pang-apat na hurado sa pagbubukas ng reality show na Pinoy Boyband Superstar na mapapanood na sa Kapamilya Network simula Setyembre.

Overwhelmed naman si Muhlach sa napakainit na pagtanggap sa kanya ng Kapamilya Network.

Ayon sa sikat na aktor, masaya siya sa kanyang desisyong bumalik sa trabaho na suportado naman ng kanyang asawang si Charlene Gonzales at mga anak. Umpisa palang ang pagiging hurado ni Aga sa reality show dahil baka within the year ay gawin naman nito ang napapabalitang pagbabalik tambalan nila ni Lea Salonga sa silver screen sa bakuran ngStar Cinema.

Bilang hurado ng PBBS ay nangako naman si Aga na magiging totoo lang siya sa kanyang gagawing komentaryo sa mga kalahok kahit medyo masakit sa makaririnig. Gagawin niya naman itong mabuti nang hindi naman makasasakit sa mga huhusgahan.

Welcome home Aga Muhlach!

REALITY BITES – Dominic Rea

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Dominic Rea

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …