Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Block screenings ng KathNiel’s Barcelona…, 105 na

SA August 29 na pala ang airing ng teleseryeng Till I Met You ng Dreamscape  Entertainment na pinagbibidahan ng tambalang James Reid at Nadine Lustre.

Bilang supporter din ng JaDine, excited na kami sa kakaibang kuwentong hatid ng teleseryeng ito na lalo ninyo silang mamahalin. Kikiligin tayo sa seryeng ito nina James at Nadine na tatampukan naman ng kakaibang kuwentong third party na masasabi kong napapanahon huh.

Basta! Ibang klaseng JaDine ang mapapanood natin sa serye na kinunan pa sa Greece ang ilang eksena. Bongga!

Kung gaano ka-busy ang JaDine promoting their latest serye na Till I Met You ay ratsada naman ang KathNiel sa promosyon din ng kanilang pelikulang Barcelona A Love Untold ng Star Cinema.

Noong Huwebes ay naganap ang promo shoot ng pelikulang noong nakaraang taon palang ay talagang inaabangan na.

Sa kabuuan, halos 105 block screenings worldwide na ang magaganap sa pagbubukas ng pelikula sa September 14 worldwide.

Grabe ang tambalang KathNiel sa totoo lang dahil kahit saan mo nga naman dalhin ang dalawa ay pinagkakaguluhan naman talaga. Ngayon palang ay sigurado na kaming hahataw sa takilya ang movie nina DanielPadilla at Kathryn Bernardo.

Congrats in advance sa buong production staff, cast and crew ng pelikula! Bongga!

REALITY BITES – Dominic Rea

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Dominic Rea

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …