Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pinoy Boyband Superstar, magandang vehicle sa pagbabalik ni Aga

NAGBABALIK si Aga Muhlach sa telebisyon, pero hindi siya aarte kagaya ng inaasahan sa kanya kundi magiging isa sa judges sa ng Pinoy Boyband Superstar na ang host ay si Billy Crawford. Hindi na iyan isang scoop, kasi bago pa man naibalita iyan nang husto, lumabas na iyan sa mga blog sa social media. Iyon ang madalas na nangyayari ngayon eh, inuuna ang press release sa social media. Wala kasing gastos iyon. Sila na mismo ang naglalabas din niyon.

Anyway, kung kami naman ang tatanungin, bagamat hindi nga namin masasabing ideal iyan para kay Aga, dahil siya ay isang magaling na aktor at dapat nga sana ay nagagamit ang kanyang talent bilang isang artista, ok na rin naman iyan kaysa hindi siya nakikita ng mga tao. Matagal na siyang walang TV show, at iyong ginawa naman niyang mga show noon sa TV5, hindi naman naka-take off.

Maganda na nga rin sigurong acid test iyan sa popularidad ni Aga. Makikita nila ang immediate reaction ng mga tao. Kung ang mga tao ay magpapakita pa rin ng kilig basta nakita nila si Aga, siguradong mabilis nilang bibigyan iyan ng panibagong assignment agad-agad. Kung hindi malamig naman, makapagpapahinga muna sila. After all ang kontrata naman ng mga artista ngayon sa network, kahit na iyang mga malalaking artistang iyan, per program basis na lang eh. Malalaki kasi ang talent fee ng mga iyan. Ang binibigyan na lang ngayon ng guaranteed contract iyon ang mga talent fee ay barya-barya lang.

Hindi rin naman natin maikakaila na maraming magagandang pelikulang nagawa si Aga sa Star Cinema. Ang isa sa pinakamagandang pelikulang nagawa niya in his entire career na natatandaan namin ay iyong pinagtambalan nila ni Angel Locsin. Kanya-kanyang opinyon iyan eh, pero iyong pelikulang iyon ay nagustuhan namin talaga. Nagtago pa nga kami ng kopya niyon sa legal na DVD ha, kahit na ang presyo nion ay P600.

Natutuwa na rin kami at nariyan na ulit si Aga. Mapapanood na naman siya. Naniniwala kaming marami pa naman siyang fans, at makatutulong siya sa mataas na ratings ng show.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …