SABOG ang ngala-ngala ni Sen. Leila de Lima matapos siyang tawaging “IMMORAL WOMAN” ni Pang. Rody Duterte sa ginanap na press conference sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3, kamakalawa.
Nabulgar na sa publiko ang lihim ng Guadalupe – ang tungkol sa pangangalunya ng isang babae na naturingan pa namang mataas na opisyal sa pamahalaan sa kanyang driver.
Noon pa man ay usap-usapan na ang malaswa at mahalay na relasyon ng opisyal sa kanyang driver na bale ba ay pamilyadong padre de familia.
Kundi tayo nagkakamali ay parang ito ‘yung ‘di matuldukang kuwento na ipinagpatayo pa ng babaeng opisyal ng mala-mansiyong bahay sa isang bayan sa Pangasinan ang kanyang driver na sweet lover – sa pagkakatanda ko ay sa bayan ng Urbiztondo?
Umabot sa P7-M ang napabalitang katumbas na halagang nagastos sa ipinatayong haybol na humigit-kumulang ay lima hanggang anim na taon ang nakararaan.
Kaya naman dahil sa pambihirang suwerteng dumating sa driver, agad umano nitong pinauwi ang asawa at mga anak sa isang malayong pro-binsiya sa Kabisayaan para walang maging sagabal sa “illicit affair” nila ng among “hot momma.”
Totoo nga siguro ang kasabihang, “basta driver ay sweet lover!”
DROGA SA NBP
IBINULGAR din ni PDU30 na ang driver ni De Lima ang siyang kumukolekta ng payola mula sa mga nakabilanggong drug lords sa New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa.
Matatandaan na ilang beses nagpalit ng opisyal sa Bureau of Corrections (BuCor) dahil sa iba’t ibang katarantaduhang naganap sa loob ng NBP noong administrasyon ni PNoy at liderato ni De Lima bilang noon ay kalihim ng Department of Justice (DOJ).
Umugong din ang balita na ang driver ang siyang nasa likod ng malaking sindikato na nagpapaikot sa NBP kaya imbes masugpo ay lalong lumala ang problema ng droga kahit ilang beses pang napalitan ang mga opisyal ng BuCor noong nakaraang administrasyon.
Sa kasaysayan ng NBP, tanging sa panahon lamang ni De Lima bilang hepe ng DOJ nangyari na sa loob mismo ng piitan napabalitang ginagawa at nagmumula ang droga na ikinakalat sa bansa.
ADULTERY LABAG
SA BATAS (RA 6713)
Dumipensa naman si De Lima sa ipinatawag niyang press con kahapon at sinabing “pamemersonal” at “character assassination” daw ang mga naging pahayag ni PDU30 laban sa kanya.
Ang malungkot, hindi naitanggi ni De Lima ang isyu ng immorality at kaugnayan niya sa sindikato ng illegal na droga sa loob ng NBP.
Malabnaw ang depensa ni De Lima dahil hindi matatawag na personal ang mga pasabog ni PDU30 laban sa kanya.
Ang adultery o pangangalunya ay paglabag sa Republic Act 6713 na kilala sa tawag na Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials ang Employees.
Ayon sa nabanggit na batas, “It is the policy of the State to promote a high standard of ethics in public service. Public officials and employees shall at all times be accountable to the people and shall discharge their duties with utmost responsibility, integrity, competence, and loyalty, act with patriotism and justice, lead modest lives, and uphold public interest over personal interest.”
Bukod sa adultery at immorality, tiyak na marami pang sisingaw na kawalanghiyang nangyari sa BuCor at NBP, at sa iba pang attached agency ng DOJ sa panahon ni De Lima na ating aabangan, kabilang na ang talamak na sindikato at katiwalian sa Bureau of Immigration (BI).
At ‘yan ang ating aabangan!
SENATE INVESTIGATION BA
O DESTABILIZATION?
MATAPOS mabigong pasinungalingan ni De Lima ang immorality at adultery isyu laban sa kanya, kombinsido ang publiko na DEMOLITION JOB ang pakay ng pagpapatawag niya ng imbestigasyon sa Senado.
Gusto lang gamiting kumot ni De Lima ang kapangyarihan ng Senado para mailihis ang pagkakadawit niya sa illegal drugs habang siya pa ang hepe ng DOJ.
Akala niya ay magagawa niyang siraan si PDU30 sa pamamagitan ng palsipikadong malasakit para sa biktima ng huma rights at summary execution.
Meron pa bang mas matinding genocide na matatawag kundi ang pakikipagsabwatan sa mga drug lord na sumira sa buhay at kinabukasan ng maraming kabataan at mamamayan?
Hindi ba crime against humanity rin na matatawag ang tulungan mong isadlak ang mga kabataan at mamamayang Filipino sa pagkagumon sa droga?
Masyadong inabuso ni De Lima ang kanyang suwerte para itanghal na dakila ang kanyang sarili sa pagaakalang ang publiko ay mababaw ang isip na tulad ng dati niyang amo na utu-uto.
Halatang paninira kay PDU30 ang pakay ni De Lima dahil sa takot na tuluyan na siyang mabuko.
Kahit isa ay wala akong alam o nabalitaan na sinoman ang ginipit ni PDU30 kahit mula pa noong siya ay alkalde at congressman ng Davao City kaya’t kasinungalingang imbento lamang ni De Lima ang paratang na inaabuso ng pangulo ang kanyang kapangyarihan sa pabubulgar sa kanyang baho.
Kaya naman sa susunod nating kolum ay babahagi natin ang kuwento kung paano tayo ginipit ni De Lima pagkatapos nating hilingin ang pagsibak sa kanya sa puwesto sa rally na pinangunahan ng inyong lingkod sa harap ng DOJ noong 2011.
Bulok ang estilo ni De Lima, kung ano ang ginagawa niyang masama ay sa iba niya ibinibintang.
Pero may kasabihang, “You can fool all the people some of the time, and some of the people all the time, but you cannot fool all the people all the time.
(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])
KALAMPAG – Percy Lapid