MUKHANG may panibago na namang alas ang Kapamilya Network at malaki ang posibilidad na mag-click sa umuusbong na tambalan ng mahusay na singer na si Darren Espanto at ang unica hija nina Carmina Villaruel at Zoren Legaspi, si Cassey o CassRren kung tawagin ng mga supporters ng dalawa.
Kung ilang beses na rin naman naming napanood ang dalawa sa mga production numbers sa ASAP at kitang-kita namin ang lakas ng dating nila kapag magkasama at may dalang kilig sa mga manonood.
Wala rin namang problema if pagtatambalin ang dalawa dahil close naman ang mga ito at okey din naman sa kanila if bigyan sila ng proyektong magkasama.
Bukod pa sa sobrang dami na ang mga supporter ng loveteam nila, tiyak na hindi na mahihirapang i-push nang husto ang tambalan nila. Tamang proyekto lang ang kailangan at tiyak mas magki-click sila, ‘di ba Rose Armas ng DIVT.
MATABIL – John Fontanilla