Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pinay Romanian Got Talent finalist, nasa bansa

NASA bansa ngayon ang Pinay/international singer na si Resciebelle Santiago, finalist sa 2016 Romania Got Talent pero hindi niya kasama ang guwapong Romanian boyfriend.

Anang dalaga nang ipakilala siya ng kanyang BF sa magulang nito, “Noong una nila akong nakita sobrang happy nila, sobrang sweet ko raw at matulungin.

“Kasi tumutulong ako sa mga gawaing bahay doon na normal naman sa ating mga Filipino ‘pag nasa ibang bahay tayo, at saka ganoon ako pinalaki ng lola ko.

“Sobrang love nila ako, kasi ‘yung mommy niya laging sinasabi sa akin na ‘I love you … i love you.’

“At saka sobrang alaga talaga lalo na kapag magkakasakit ako.

“Pero ‘yung boyfriend ko hindi pa nakikilala ng family ko personally, kasi sa skype pa lang siya nakikita at doon ko pa lang siya ipinakilala.

“Plano niya ngayong third week ng August na pumunta ng Pilipinas para ma-meet ang family ko,” mahabang kuwento ni Resciebelle.

Hindi naman daw ito nahihirapan na pag aralan ang lengguwahe sa Romania. “Noong una po nahirapan ako, pero dahil lagi ko na siyang naririnig, nasanay na rin at natutuhan ko nang gamitin.

“Tapos ‘yung mama ng BF ko ‘di marunong mag-English kaya kailangan ko talaga matuto magsalita ng salita nila.

“Hindi naman po siya mahirap kung gusto mo makakaya mo,”  pagtatapos na ng Pinay International singer.

MATABIL – John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …