KANINO kaya mapupunta si Serena? Kay Tenten o River?
Naku ‘yan ang aabangan natin sa huling dalawang linggo ng seryeng Dolce Amorena pinagbibidahan nina Enrique Gil at Liza Soberano.
In fairness sa seryeng ito, pinakilig naman talaga tayo at nakita rin natin ang maturity ng dalawa pagdating sa kanilang pag-arte bilang mga aktor. Kaabang-abang daw ang huling linggo nito na mas lalong patatamisin nina Enrique at Liza ang bawat gabi natin.
Yes. Masasabi kong they did very well sa seryeng ito kaya naman after the said serye ay isang pelikula naman ang kanilang gagawin under Star Cinema na ipalalabas din ngayong taon.
Nabatid din namin na isang teleserye naman next year ang kanilang gagawin kasama ang isang sikat na sikat na loveteam. Sino kaya ‘yun? Ang JaDine ba o KathNiel?
Abangan guys. Basta ako, love na love ko si Enrique. ‘Yun na.
REALITY BITES – Dominic Rea