BUMULAGTANG walang buhay ang tatlong lalaki sa isinagawang anti-drug ope-ration ng Manila Police District (MPD) sa kasagsagan ng masamang panahon sa iba’t ibang lugar sa Maynila.
Ayon kay Senior Insp. Rommel Anicete, hepe ng MPD-Homicide Section, unang napatay ng mga ope-ratiba ng MPD-PS 10, ang mga suspek na sina Arnold Malinao, 43, miyembro ng Sputnik gang; at Romano Magundayao, 32, waiter, kapwa ng 1539 Fabie St., Paco, Maynila.
Sa imbestigasyon ni SPO2 Jonathan Bautista, naganap ang insidente dakong 5:45 pm sa bahay ng mga suspek.
Nabatid na nagsagawa ng buy-bust operation sina Senior Insp. Jojo Sanguit at umaktong poseur buyer si PO1 Emerson Layug, sa unang palapag ng tinitirhan ng mga suspek ngunit nakahalata si Malinao dahilan para tumakbo paakyat sa bahay na hinabol ng mga pulis.
Pagpasok sa kanilang unit sa ikaapat na palapag, agad pinaputukan ni Ma-ngundayao si SPO2 Luis Conderes ng .45 kalibreng baril habang tangan sa kabilang kamay ang isang gra-nada dahilan para barilin siya ni SPO2 Dennis Insierto na kanyang ikinamatay.
Nabatid na si Malinao ay una nang sumuko sa mga awtoridad nang magsagawa ng Oplan Tokhang ngunit tumangging sumuko si Ma-ngundayao na kilalang drug pusher sa lugar.
Dakong 11:20 pm nang napatay ng mga operatiba ng MPD-PS 2 si Gallardo Pascual, 40, ng 3281 Int. 18, S. Teodoro St., Matang-tubig, Tondo, Maynila.
Pinaputukan ni Pascual ng kanyang .357 magnum si PO1 Greggie Bueno na umaktong poseur buyer nang makahalata na pulis ang katransaksiyon ngunit hindi tinamaan dahil nakapagkubli at nang gumanti ng putok ay tinamaan ang suspek na naging sanhi ng kanyang kamatayan.
( LEONARD BASILIO )