Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jadine

Sino nga ba ang mas sikat kina James at Nadine?

MALAKAS man ang ulan, walang pakialam ang fans nina James Reid at Nadine Lustre na sumugod sa music hall ng isang mall sa Pasay, nang i-launch sila bilang pinakabagong endorsers ng Bench. Ang sabi nga nila, mukhang launching din iyon ng monopoly ng Bench sa mga sikat na love teams, dahil nasa kanila rin iyong AlDub at iyong KathMiel. Eh sino pa nga ba ang makukuha niyong iba?

Noong umaanggi na dahil sa open naman iyong music hall na iyon, nakapayong ang mga tao pero hindi sila natinag sa kanilang puwesto. Hindi sila umalis sa kanilang kinatatayuan kahit mabasa pa sila.

Pero iba ang kuwentuhan namin eh. Kasi roon sa audience na iyon, na incidentally sa tingin namin ay siyang pinakamalaki sa lahat ng kanilang launching dahil mas malaki nga ang venue na iyon kaysa iba nilang ginagamit, nakita rin kung sino ang mas maraming fans kina James at Nadine. Sikat sila as a love team, pero makikita mo noong nag-perform na sila ng solo numbers kung sino ang mas sikat. Makikita mo kasi mas malakas na ‘di hamak ang tilian at palakpakan eh. Iyon ngang isang nakita namin halos himatayin na eh, pero noong dumating iyon bago nagsimula ang launching sosyal na sosyal ang ayos.

Mayroong nakuha iyong masa at iyong fans na medyo upscale. Iyong isa sa masa lang. Pero huwag na ninyo kaming pilitin na sabihin pa kung sino ang mas sikat, tutal sila naman ang magka-love team. Sinasabi lang namin na mayroon kaming ganoong observation.

Palagay namin, hindi rin naman iyan matitigil sa kanilang EveryDay wear. May nagbulong sa amin na mukha raw magkakaroon din sila ng sarili nilang cologne line. Pero plano pa lang iyon.

Sa nakita rin naming following niyong Jadine, wala kaming dudang magpapatuloy pa rin sila sa magandang ratings sa telebisyon at kita ng pelikula. Iyang mga ginagawa nilang launching na ganyan ang nakapagbibigay sa atin ng instant feedback para sukatin ang popularidad ng mga artista. Kung hindi sikat iyan walang tao roon, lalo na at ganoong malakas ang ulan? Marami na rin kaming nakitang launching na kakaunti ang tao.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …