Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Direk Deo, alipin ng makinilya

NAGULAT kami noong isang gabi nang may magtanong sa amin kung alam daw naming yumao na si direk Deo Fajardo Jr. Si Deo ay nagsimula bilang movie reporter at writer ng mga komiks, hanggang sa nagsulat ng script sa pelikula, naging talent manager at nang malaunan director na rin. Nakilala siya sa mga ginawa niyang action movies.

Si Deo ang naka-discover at nakapagpasikat kina Rudy Fernandez at Robin Padilla. Hindi nga siguro masasabing siya ang nagpasikat pero naging discovery din niya for a while iyang si Coco Martin noong hindi pa iyon ang screen name niya. Si Deo rin ang naka-discover at nagsimula ng career noong araw ni Manny de Leon, na sumikat naman nang maitambal kay Nora Aunor.

Ang huli naming narinig, inatake nga si direk Deo, at isinugod na naman sa ospital mga last week yata iyon. Nauna roon masasakitin na siya, dahil na rin siguro sa kanyang edad, at saka sobra kasi kung magtrabaho iyan. Noong araw, natatandaan namin, kung biruin namin iyan ay “alipin ng makinilya” hindi kasi iyan tumitigil halos sa pagsusulat.

Nagtataka lang kami, parang hindi namalayan na yumao na siya. Ni walang nagsabi kahit na sa social media, pero may isa kaming kaibigang nagbigay ng kompirmasyon na talaga raw yumao na nga noong Sabado yata. Nakahihinayang na nawala ang ganyang mga tao na may malaki namang kontribusyon sa showbusiness.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …