NATAWA naman kami roon sa kuwentong iyong komedyanteng si Cacai Bautista ay banned daw sa mga naging events ng Thai actor na si Mario Maurer dito sa Pilipinas. Nagkasama kasi sila sa isang pelikula noon, tapos siguro during shooting breaks, nagpakuha sila ng pictures. Naglabasan iyong mga picture sa social media at sinasabing si Cacai daw ay naka-affair ni Mario.
Ang tingin naman ng mga manager ni Mario, iyong ganoong klase ng publisidad ay makasisira sa kanilang talent. Kaya binawalan nila si Mario na huwag nang lalapit pa kay Cacai. May instruction din sila sa mga kumukuha kay Mario rito sa Pilipinas, na huwag palalapitin sa kanya si Cacai.
Hinanap namin iyong mga picture na sinasabi nila. Kung kami ang titingin, bale wala naman iyon. Kung konserbatibo ang titingin, ibang usapan na nga. Isa pa iyang si Cacai, hindi ba may kumalat din iyang isang viral video na kasama naman ang sinasabing boyfriend din niyang si Ahron Villena?
( Ed de Leon )