Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dayanara, nami-miss na raw ang ‘Pinas

SA totoo lang, natuwa naman kami nang makita namin ang social media post ng dating Miss Universe at naging isang artista sa Pilipinas at muntik nang maging Pinoy na si Dayanara Torres. Naging Miss Universe siya noong 1993 at nakarating sa Pilipinas. Maski sa Puerto Rico na kanyang pinagmulan ay kinikilala rin siyang aktres, singer, at writer.

Flashback lang ng kaunti, si Dayanara ay naging girlfriend noon ng matinee idol na si Aga Muhlach, at marami ang humuhula na magkakatuluyang ang dalawa. Naging seryoso rin kasi ang kanilang relasyon at iyon ang dahilan kung bakit nagtagal sa Pilipinas si Dayanara, kahit na dapat ay isang pelikula lang ang gagawin.

Marami siyang nagawang magagandang pelikula at naging mainstay pa ng ASAP.

Hindi rin naman sila nagkatuluyan ni Aga for whatever reasons, nagbalik si Dayanara sa kanilang bayan at nakapag-asawa naman ng isang singer-composer at record producer, si Marc Anthony. Nagkaroon sila ng dalawang anak, nagkahiwalay, nagsamang muli, pero natapos ang kanilang pagsasama sa isang divorce.

Natuwa kami nang makita ang kanyang post na tuwang-tuwa nang malaman niyang gagawin dito sa Pilipinas ang Miss Universe sa susunod na taon. Nakatutuwa lalo na iyong gamit niya ng salitang Tagalog na sinabi niyang nami-miss na niya ang Pilipinas at “nakase-senti”. May inilabas pa siyang pictures ng chocolates at dried mangoes na produkto ng Pilipinas.

Ang nakatutuwa, si Dayanara ay isang Puerto Rican, walang dugong Pinoy. Sayang na nga lang at hindi siya natuluyang naging Pinoy. Pero nakapagsasalita at nakapagsusulat siya ng diretsong tagalog. Iyong ibang mga artista natin, hanggang ngayon baliko ang dila.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …