Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagki-claim ng GMA7 na number one sila, tigilan na

PABONGGAHAN sa ratings ang mga teleserye ng ABS-CBN at GMA. Kanya-kanyang labas ng ratings lalo na sa kanilang primetime shows na parehong naglalakihan at pinagbibidahan ng mga sikat na artista.

Kapag tinanong mo ang maka-Kapamilya, sasabihin nilang sila ang number one. Ganyan din ang isasagot ng mga maka-Kapuso! But who’s telling the truth nga ba? Sino ba talaga sa kanila ang may bitbit ng suwerte pagdating sa teleseryes?

Sa ganang akin lamang po, aminado naman akong kapag Metro Manila ang pagbabasehan, nangunguna talaga ang mga teleserye ng Kapuso pero kapiranggot na porsiyento lang naman ang lamang nila sa Kapamilya. Pero kung pagbabasehan mo ang kabuuan ng porsiyentong inilalagak ng mga nasa monitoring at may alam nito, nationwide at worldwide ay milya-milya naman talaga ang porsiyentong lamang ng Kapamilya sa Kapuso!

Ibig sabihin, mas pinanonood ang mga show ng Kapamilya Network kaysa Kapuso.

Mas kilala rin ang mga artista ng Kapamilya kaysa Kapuso.

Aminin natin ‘yan na kahit sa mga out of town shows ay kilalang-kilala naman talaga ang mga artista ng Dos kaysa Siyete.

Bilang mo lang ang artistang kilala sa bakuran ng Siyete huh. Unlike kapag sinabi mong artista ng Dos, aba, kilalang-kilala! ‘Am not saying na boom panes ang mga serye ng Siyete dahil may kanya-kanyang viewers naman ang bawat network.

Sinasabi ko lang na, stop claiming GMA 7 na kayo ang number one TV station! Na kayo ang nangunguna sa primetime! Ni morning shows nga lang ng Kapamilya eh hindi niyo nga mapatumba, after at primetime pa kaya?

REALITY BITES – Dominic Rea

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Dominic Rea

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …