TAMA ang sinabi ni Melai Cantiveros na asawa niya si Jason Francisco. Tama ang sinabi niyang sa bawat yugto ng buhay ng mag-asawa ay pinagdaraanan ang mga problema na sinusukat ang kanilang tibay at tatag. Na kung may makaaayos man niyon ay bukod tanging silang dalawa lang bilang mag-asawa.
Mukhang sa mga binitiwang salita ni Melai ay mahal na mahal niya talaga si Jason. Mukhang bilib siya sa kanyang husband na kasalukuyang nasa Mindoro kasama ang pamilya nito at iniwan muna ang kanyang mag-ina rito sa Manila.
Tanong ko lang kay Melai, gawain ba ng isang matatag na lalaki ang talikuran at layasan ang isang problema? Siya ang lalaki at ikaw ang babae. Bakit ganoon ang nangyari?
Kung ginagawa mo ang lahat para maisalba ang inyong relasyon ay mabuti. Pero pag-aralan mo Melai ang ginagawa niya ngayon sa iyo!
Kakaloka!
REALITY BITES – Dominic Rea