Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alden, dapat nang tawaging Hari ng Takilya

NANG humarap si Alden Richards sa press noong isang araw, hindi na siya humihingi ng tulong para sa kanyang mga proyekto. Nagpapasalamat na siya dahil sa naging tagumpay ng lahat ng mga proyektong sunod-sunod niyang ginawa.

Una nga iyong kanyang plaka ay masusundan na pala ng bago, eh bakit nga ba hindi mo pa susundan agad eh iyong nauna niyang CD ay umabot na sa seven times platinum. Iyong iba nga maka-gold lang naghihingalo na, si Alden umabot na sa seven times platinum at bumebenta pa.

Iyong kanyang mga ginawang concerts, lahat naman naging hits lalo na nga iyong mga ginawa niya sa abroad.

Ngayon, ewan pa kung sino ang aangal basta sinabing si Alden na nga ang dapat na ideklarang box office king, dahil sa laki ng box office returns ng pelikula nila ni Maine Mendoza. Isipin ninyo, ipinalabas iyon sa 235 sinehan sa buong Pilipinas sa unang linggo, at lahat ng mga sinehang iyon ay puno ang lahat ng screening. Noong second week, ilang sinehan lang ang nabawas, at nakikipaglaban pa rin iyon sa kita kahit na ng mga foreign films na kasisimula pa lamang ipalabas.

Ngayon lang nangyari na may isang pelikulang Filipino na ipinalabas sa mahigit na 200 sinehan simultaneously, kaya sino ang aangal kung sabihing sa ngayon si Alden na nga ang undisputed box office king? Iyan ang dapat nang itawag kay Alden ngayon, Hari ng Takilya. Sinasabi rin nila na hindi nga rin malayo na sa pagtatapos ng local screening ng pelikula nina Alden at Maine ay masabing iyon ang highest grossing Filipino film of all time. Nang marinig namin ang kabuuang kita ng pelikula, lalo tuloy kaming naaawa sa mga indie film na nangangamote sa takilya.

Kung hindi pa napirata ng ilang mapagsamantalang bloggers ang pelikula nina Alden at Maine, aba mas malaki pa ang kinita niyan. Kaso napirata rin agad sila. Nagmamadali ang mga pirata, aba eh sila man tiba-tiba ang kinita sa pamimirata nila.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …