Monday , December 23 2024

Religious group ‘bugaw’sa Bilibid

00 Kalampag percyPARANG teleserye na sinusubaybayan ng publiko ang mga nabubukong anomalya sa New Bilibid Prison (NBP).

Ang pinakahuling natuklasan ay pakikipagsabwatan ng dalawang dating matataas na opisyal ng Department of Justice (DOJ) at NBP na  nagkamal nang milyon-milyong piso sa pagkonsinti sa mga iregularidad sa bilangguan.

Ibinulgar ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na maging ang religious group ay kasabwat sa paglaganap ng prostitusyon at illegal na droga.

Kunwari raw ay kasama sa religious activity ang mga babae, ‘yun pala ay ginagamit na showroom ang chapel ng NBP sa pagbubugaw nila sa mga prostitute.

Hindi na kinilabutan ang mga hindoropot, ginagamit pa ang relihiyon para sa kanilang kawalanghiyaan.

Maging ang budget sa pagkain ng mga preso ay kinukupitan pa ng P240,000 kada araw ng ilang mga dating DOJ at NBP official.

Pero inabsuwelto ni Aguirre sa mga alingasngas sa NBP ang pinakahuling BuCor chief sa PNoy administration na si Gen. Rainier Cruz dahil ginawa nito ang lahat para patinuin ang Bilibid pero nabigo siya.

Nabulgar noong 2014 na ang VIP high risk prisoners sa Bilibid ay pinapayagan na magpa-confine sa mga pribadong ospital kasama ang mga pipitsuging starlet.

Imbes nga naman sa hotel ay sa ospital sila nagte-check-in para hindi halatang nagpaparaos lang pala.

Bukod sa salapi, kasama pang nakagagamit ng shabu ang mga adik na “starlet” bilang bayad sa kanila kapalit ng pakikipag-sex sa mga drug lord na preso.

Kabilang sa mga nakinabang sa katarantaduhang ito sina Ricardo Camata alias “Chacha,” boss ng Sigue Sigue Sputnik Gang; NBP druglord Herbert “Ampang” Colangco at Amin Buratong, ang may-ari ng shabu tiangge sa Pasig City.

Maliban sa sinibak, may naparusahan ba sa ginawa ng mga NBP officials at jailguards?

PAGCOR FUNDS SPECIAL AUDIT

DAPAT isailalim sa special audit ng bagong pamunuan ng PAGCOR ang pondo nito sa nakalipas na anim na taon para malaman kung napunta sa dapat makinabang.

Nabuko ni PAGCOR chief Andrea Domingo na hindi naipaliwanag ng Philippine Sports Commission (PSC) ang P3-B na nakuha sa gaming agency.

May 5 percent share ang PSC sa kita ng PAGCOR na kailangang ilaan sa kapakanan ng mga atleta bukod pa sa ibinibigay sa kanila ang PCSO.

At sa loob ng isang taon ay itinatayang aabot ito sa isang bilyong piso.

Nang magtungo ang ating delegasyon para sa Rio Olympics kamakailan ay naawa sa kanila si Pangulong Duterte at dinagdagan pa ang kanilang allowance.

Iyon naman pala ay hindi pa naipapaliwanag ng PSC officials kung saan nila dinala ang budget ng ahensiya.

May panukalang ilipat ang Rizal Memorial Coliseum sa 50-ektaryang lupain sa Clark, Pampanga mula sa Vito Cruz St., Malate, Manila.

Puwede naman ito kung ang pananalapi ng PSC ay mailalagay sa ayos at sakaling dinugas ng mga dati o kasalukuyang opisyal ay panagutin sila.

Isa pa sa dapat ipabusisi ni PAGCOR chair Domingo ang ibinubulsang pondo na kunwari ay buwanang financial assistance sa isang media organization pero pagkatanggap ay inililipat pala sa personal Foundation o personal NGO na nagkukunwaring tumutulong sa mga batang lansangan.

Naniniwala tayo na sa ilalim nang pangangasiwa ni Domingo sa PAGCOR ay matutupad ang layunin ni Pangulong Duterte na mailaan sa serbisyong pangkalusugan ang kita ng gaming agency.

PARTY LIST BUWAGIN NA!

TULAD nang matagal na nating sinasabi, dapat ay mawala na sa Konstitusyon ang partylist group representatives.

Kombinsido rin pati si Pangulong Duterte na sa pagbalangkas ng bagong Konstitusyon ay dapat nang buwagin ang party-list system sa ating politika para mawala na sa Kongreso.

Ginagamit lang aniya ito ng mayayaman para makapuwesto.

Nais ng mayayaman na magkaroon ng proteksyon ang kanilang mga negosyo kaya sinasakyan ang adbokasiya ng “marginalized sector.”

“Kasi ito ‘yung pera, kahit ano riyan mabili mo, United Idiots Association. Tatakbo. Nagkalat kayo diyan,” sabi nga ni Pangulong Duterte.

Kaya nga lang, kung matutuloy na ang susulat ng bagong Konstitusyon ay mga mambabatas dahil ang kursunada ni Pangulong Duterte ay sa pamamagitan ng Constituent Assembly (Con-Ass), kasama pa rin ang party-list reps sa mag-aakda ng Saligang Batas na ilang dekadang iiral sa bansa.

Wala nga silang pork barrel, pero mas malaki pa ang kikitain kung sakali sa lobby funds na “babaha” sa Kongreso para paboran ang interes ng malalaking negosyante sa “Bagong Konstitusyon.”

Kung hanggang saan marerendahan ni Pangulong Duterte ang mga mambabatas habang ginagawa ang Saligang Batas, iyan ang ating aabangan.

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG – Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *