MALAKI na ang ipinayat ni Aiko Melendez ngayon dahil hindi pala siya kumakain ng rice for one year na. And besides pinaghahandaan niya ang bagong teleseryeng gagawin.
May nagtanong kay Aiko kung bakit hindi niya pinayagang umapir ang anak na si Andre Yllana sa PBB?
Ani Aiko, hindi siya sanay na mapahiwalay ng matagal sa anak dahil sa Vietnam pa ginagawa ang PBB.
May mga nagtatanong din kung bakit bago gawin ang PBB ay kontodo announcement na pagkakataon sa mga kabataan buhat sa iba’t ibang lugar para maging artista kapag napili at manalo subalit noong simulan na ay pawang mga showbiz personalities pala ang mga kasali? Nasaan na ang mga nag-audition?
SHOWBIG – Vir Gonzales