Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Visayan indie film, ‘di totoong ginaya ng The Greatest Love

ANG alinmang magandang proyekto ay hindi nawawalan ng sariling controversy. Kasi basta malaking project iyan, marami ang makakapansin at marami ang mapupuna. Kagaya ngayon, matindi ang naging dating niyong trailer ng bagong serye ni Sylvia Sanchez, iyong The Greatest Love. Talagang nakatatawag ng pansin, lalo na iyong eksena na nasa dining table sila tapos nag-away-away ang kanyang mga anak. Marami ang naantig ang damdamin sa eksenang iyon.

Iyon din naman ang pinagmulan ng controversy. May nagsabi kasi na ang eksena raw ay ginaya sa isang Visayan indie film.

Napanood namin iyong trailer ng dalawa. Oo, pareho ngang sa dining table ang eksena, pero magkaiba naman ng sitwasyon. Hindi mo masasabing ginaya dahil hindi rin naman masasabing iyon lang Visayan film na iyon ang may eksena sa dining table. Karaniwan iyong mga ganoong setting, pero ang laki naman ng kaibahan ng pinagtatalunan doon sa serye ni Sylvia kaysa roon sa Visayan film na ang pinagtatalunan ay pera.

Anyway, hindi naman sa trailer nakasalalay iyan. Nasa kabuuan iyan ng proyekto. At natutuwa kami sa project na iyan ni Sylvia, dahil finally ginawa na rin siyang bida sa isang serye na matagal nang dapat na nangyari. Nakadalawang best actress na siya. Naka-anim na best supporting actress na rin. Wala nang kuwestiyon sa kakayahan ni Sylvia bilang isang aktres. Nakahihinayang nga lang at inabot ng ganoon katagal bago nila naisip na kaya na nga pala niyang maging bida at magdala ng isang serye.

Nakahihinayang na mayroon tayong mga magagaling na aktres na hindi nabibigyan ng sapat na pagkakataon. Isipin ninyo iyang mga producer, at ito ay sasabihin namin dahil may personal knowledge kami sa katotohanang ito. Ilang scripts nga ba para sa mga malalaking dramatic films ang nakatambak at naghihintay sa panahon ni Congresswoman Vilma Santos? Nakita naming lahat iyon doon sa office niya sa Batangas noon, Hindi naman niya magawa dahil busy siya. Pero iyong mga producer, naghihintay na baka sakaling magkaroon siya ng panahon at gawin niya iyon.

Pero may iba pang magagaling na aktres, isa nga si Sylvia na kaya namang gawin iyan, pero ayaw nilang sugalan. Ngayon basta nag-rate iyang serye ni Sylvia, tiyak mapapansin din siya at maaaring sa susunod bida na rin siya sa isang malaking pelikula.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …