NAGULAT kami nang may ituro sa aming isang website ang isang kaibigan. Sabi niya marami raw doong scandal. Nang buksan namin, may mga scandal na ng isang male star. Pero hindi na siya aktibo ngayon, at hindi rin naman masyadong sumikat iyan noong araw. Pero walang dudang ang kanyang ginawa ay para sa isang nanonood sa kanyang webcam.
Kinunan ng isa pang camera ang computer screen, at iyon ang ini-upload sa internet ulit. Ewan kung bakit, pero mukhang nasa abroad iyong dating male star nang gawin niya iyon. Kasi lumalabas pa sa feed na ang video ay galing sa Portland, USA.
Iyan ang sinasabi namin eh, hindi kasi nag-iingat.
( Ed de Leon )