Tuesday , December 24 2024

NBI Director Gierran kamay na bakal ang ipinatutupad

KONSENTRADO ngayon ang NationaI Bureau of Investigation (NBI) sa pamumuno ni Atty. Gierran laban sa talamak na ilegal na droga.

Masagasaan na ang dapat masagasaan basta sa tawag ng tungkulin lalansagin niya ang drug syndicates.

Lahat ng klase ng masamang lord ay kanyang huhulihin lalo na ang sangkot sa illegal drugs, smuggling, kidnapping, illegal mining, illegal logging, money laundering, human trafficking at corruption.

Susundin niya ang mandato at kautusan ni Pangulong Digong Duterte na lansagin ito. Nagbabala rin siya sa mga tauhan niya sa NBI na huwag makipagsabwatan sa mga ganitong klaseng kalokohan.

I know Director Gierran personally. Mabait at maayos lang na trabaho ang gusto niya. Kaya sa NBI agent na hindi pa rin nagbabago, may kalalagyan kayo ngayon.

Sigurado, sa Mindanao kayo ilalagay ‘pag nagloko kayo.

Ayaw rin ni Director Gierran ng imoralidad gaya ng adultery kaya ‘wag tataluhin  ang kapwa empleyado ninyo.

Go, go Director Gierran!

***

Kung may isang Customs official na maraming accomplishment  sa Bureau of Customs, walang iba kundi si Depcomm Ariel Nepomuceno.

Partikular na tinutukan niya ang ilegal na droga.

Simula noong manungkulan siya sa BOC ay napakarami na niyang naiambag sa bayan at walang issue ng alingasngas.

Si Depcom Ariel ay nakatulong nang husto sa bayan dahil matagumpay ang anti-smuggling operations niya.

Sa totoo lang, mas marami siyang nagawa para sa bayan kompara kay Commissioner Lina na walang ginawa kundi mambola at dribble nang dribble.

Si Depcom Ariel ay maituturing na asset ng gobyerno, tahimik lang at talagang sumuporta sa kandidatura ni President Digong dahil parehas sila ng adhikain na wakasan ang droga sa ating bansa.

Sana ipagpatuloy ni Depcom Ariel ang pagseserbisyo sa bayan dahil siya lang ang Depcom na hindi nagpayaman sa posisyon.

Mabuhay ka Depcom Nepo!

***

Sa susunod na linggo, talakayin natin si alyas JUN KALABAW.

Ibubulgar natin ang kanyang modus na nagpapakilang ahente ng kung ano-ano.

Kailangan malaman ni Pangulong Duterte at Director Gierran ang kawalanghiyaan na ‘yan. Magaling daw si alyas Jun Kalabaw sa pangongotong at pagiging namedroper.

***

Si retired Gen. Dela Peña ng Class 83 daw ang pumuputok na magiging bagong Customs Enforcement Group chief.

Marami na raw pumupunta na mga bata niya sa customs at sila na raw ang uupo. Mukhang marami na silang mga tao na nagpapakalat sa pier.

Kung totoo ito, Congrats Sir!

PAREHAS – Jimmy Salgado

About Jimmy Salgado

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *