Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sylvia, tuwang-tuwa nang makita ang mukha sa poster

NANINIWALA si Sylvia Sanchez na kung ano ang magagandang nangyayari sa kanyang career ay dahil ito sa kagustuhan ng Diyos.

Naniniwala ang mahusay na aktres na sa buhay ng tao ay laging may perfect timing. At ang pagbibida niya sa inaabangan at talaga namang napakagandang teleserye ay perfect timing, ito ay sa The Greatest Love.

Masaya nga ito nang makita niya ang sarili sa poster dahil sa tagal niya sa showbiz, ngayon lang siya nagkaroon ng picture sa poster ng mga proyektong ginagawa niya.

Tsika nga ni Ms Sylvia sa presscon ng The Greatest Love last July 14 na ginanap sa Dolphy Theater, ”Masaya! Noong nakita ko nga ‘yung poster sabi ko ano ito? Pagtingin ko ah mukha ko.”

Dagdag pa nito, ”May mga naging projects ako rati pero puro pangalan ko lang ‘yung nasa poster, pero rito mukha ko na.

“Sabi nga ng Diyos ‘di ba in his time, lahat perfect timing naniniwala ako roon and I think ito na ‘yung time ko.”

Ang The Greatest Love ang maituturing ng award winning actress na  kauna-unahan niyang pagbibida sa telebisyon, kaya naman labis-labis ang pasasalamat niya unang-una sa Diyos at sa pamunuan ng ABS-CBN sa pagbibigay sa kanya ng proyekto at sa palaging pagbibigay ng trabaho.

Makakasama ni Sylvia sa The Greatest Love sina Dimples Romana, Andi Eigenmann, Rommel Padilla, Matt Evans, Joshua Garcia, Ej Falcon, Ellen Adarna, at Arron Villaflor at mula sa panulat ni Ricky Lee.

Bukod sa mahuhusay ang actors ng seryeng ito, kapupulutan ito ng aral ng buong pamilya—mula sa anak, ina, at ama na mapapanood sa Kapamilya Network.

MATABIL – John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …