Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dimples, idolo si Sylvia

MARAMING natutuhan ang mahusay na aktres na si Dimples Romana sa kanyang co-star at lead actress ng The Greatest Love, si Ms Sylvia Sanchez sa tuwing nag-uusap sila.

Kaya naman gustong-gusto nitong laging nakakausap ang award winning actress lalo na kapag tungkol sa pamilya dahil napakarami niyang nalalaman at natutuhan nga.

Idolo nga niya si Sylvia na ayon dito ay napakahusay sa The Greatest Love. Everytime nga na makikita nito ang mga anak ni Sylvia ay napapahanga siya dahil na rin sa mababait at magagalang ito sa mga taong nakakausap. Pagpapatunay lang na maganda at maayos itong napalaki ni Sylvia.

Image model ng New Placenta, lalaban sa Mr. World 2016

ANG image model ng New Placenta For Men na si Fernando Alvarez ng Puerto Rico, ang isa sa kandidato sa taunangMr World 2016, isa sa prestigious pageant para sa mga kalalakihan sa buong mundo.

Maaalalang naging kandidato rin si Fernando ng Misters International na ginanap dito sa Pilipinas na naging representative rin siya ng kanyang bansa (Puerto Rico) at naging daan para mapansin ito ng CEO/president ng Psalmstre Inc. ni Jaime Acosta.

Suportado nga si Sir Jaime ang paglaban ni Fernando sa Mr World na gaganapin sa July 19 sa England samantalang siSam Adjani naman ang representative ng Pilipinas sa Mr World 2016.

MATABIL – John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …