IPINANGALANDAKAN ni Sharon Cuneta na malaki na ang nabawas sa kanyang timbang. Alam naming ikinatuwa niya ang naikuwento pa niya sa kanyang social media account na isang araw daw ay tinawag siya ng kanyang asawa na “payat”.
Nagpasalamat din naman siya sa isang fan na nag-post sa social media ng isang picture niya na kuha raw several days back, na talagang makikita namang malaki na ang nabawas sa kanyang timbang. At mukhang nagbalik na ang hitsura niya noong dalaga pa siya. Pero may babawasin pa rin kung gusto niyang maging tipong leading lady siya ulit sa isang pelikula.
Magagawa naman kasi talaga ni Sharon iyan kung gusto niya eh. Siya rin naman ang nagpabaya noong araw.
HATAWAN – Ed de Leon