Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mabuhay kayo President Duterte and VP Robredo!

NAG-UMPISA na ang pagbabago sa ating bansa.

Kaya tulungan natin si Pangulong Rody Duterte at VP Leni Robredo para sa kanilang adhikain tungo sa maunlad na bansa.

Hindi biro ang susuungin at haharapin nilang mga pagbabago kaya kailangan ang pakikiisa natin sa ikatatagumpay na mapabuti at mapaunlad ang bansang Filipinas.

Maganda ang kanilang mga plataporma at hanga tayo sa kanilang dalawa.

Ang mga programang isusulong para sa ikauunlad ng ating ekonomiya at pati na rin sa pagsugpo sa krimen lalo na sa ilegal na droga.

God bless you both.

****

Isa rin sa nagkamal ng milyones ang ilang opisyal sa DPWH.

Sana sa Duterte administration ay maging maayos ang takbo ng DPWH at mabawasan nang tuluyan ang korupsiyon sa loob ng tanggapan na ‘yan.

Kaya dapat lang na paimbestigahan ang mga corrupt.

****

Ang bagong NBI director na si Atty. Gierran ay kilala natin na ayaw na ayaw niya na sinasamantala siya at pinaiikutan.

He is a good lawyer at fraternity brother ni Pres. Duterte, tex talionis.

Six years na maraming pagbabago ang ipapatupad niya sa NBI at kamay na bakal ang gagamitin laban sa mga ilegalista.

Ang payo lang sa mga naliligaw na landas sa NBI ay magbago na kayo bago pa kayo mahagupit ni Director Gierran.

Ngayon na di na puwede ang padrino system n’yo dahil direktang magrereport si Director Gierran  kay Presidente Digong.

Manungkulan kayo na may takot sa Diyos at ‘di pagkukunwari, hindi pera at kapangyarihan ang mahalaga kundi God is in your heart.

Ito lang maipapangako natin, tamang pamamahayag  suportado ko kayo hanggang matapos ang termino ninyo.

Mabuhay ka NBI director Gierran!

****

Maraming nagsasabi na magaling na leader si Customs Comm. Nick Faeldon dahil naniniwala sila sa kanyang kakayahan na magtatagumpay ang kampanya niya laban sa smuggling.

Kailangan lang na magtulungan para makamit ang target na koleksiyon na inatang sa BOC.

Sabagay talaga namang magaling, matalino at matapang si Comm. Faeldon dahil subok na at malinis ang kanyang pagkatao.

Good luck Mr. Commissioner!

PAREHAS – Jimmy Salgado

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jimmy Salgado

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Ang sabsaban at ang masa:  
Pagharap sa korupsiyon ngayong Pasko

PADAYONni Teddy Brul TUWING Pasko, paulit-ulit nating ginugunita ang kapanganakan ni Hesus sa isang sabsaban—isang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …