Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sa pagbabalik ni Kris, ano ang itatakbo ng kanyang career?

EWAN kung sa maikling panahon ng pananatili nila sa Hawaii ay naimulat na nga ni Kris Aquino ang kanyang dalawang anak sa simpleng pamumuhay, na siya niyang sinasabi noon kung bakit gusto niyang manirahan sa US kasama ang mga anak.

Ewan din kung sa pag-upo nga ni Presidente Digong Duterte ay nawala na ang takot ni Kris sa posibleng pagdukot sa kanya ng Abu Sayyaf, na sinasabi rin niyang isa sa mga dahilan noon kung bakit ni hindi siya nag-renew ng kontrata saABS-CBN. May nagsasabi namang baka na-realize ni Kris na mas magiging mabuti na ang buhay sa Pilipinas ngayong si Presidente Digong na ang nasa Malacanang kaya nagbalik na siya.

Siyempre nang magbalik siya ay nagpa-ugong siya agad, at una siyang lumabas sa isang show ng Channel 7 at hindi sa ABS-CBN. Sadly, wala namang narinig na tumaas ang ratings ng show nang maging guest siya roon.

Hindi rin naman siguro ganoon ka-pleasant ang mga balitang maririnig niya, kasi bukod sa mga reklamong isinampa na laban kay Noynoy na kapatid niya, mukhang happy-happy naman ang ex niyang si James Yap dahil manganganak na ang girlfriend niyon na si Michaella Cazzola in a few more months. Maliwanag na naka-move on na nang husto si James, samantalang si Kris wala pa. Nabutata pa kasi ang nai-announce na niyang love affair niya noon kay Mayor Herbert Bautista.

Aminin natin, na ang kanyang pagiging isang presidential daughter noong araw, at pagiging presidential sister naman pagkatapos ay nakatulong ng malaki sa kanyang career. Kung iisipin mo, at kung itutuloy pa nga niya ang kanyang showbiz career, ngayon lang siya tatakbo sa kanyang trabaho ng walang tinitingnang political influence. Hindi naman natin maikakaila iyan, dahil kung natatandaan ninyo, noong unang mag-artista si Kris, ang talagang nag-aasikaso halos sa kanya ay si Manoling Morato na siyang chairman ng MTRCB noong panahong iyon. Marami pa, pero hintayin na lang natin ngayon ang magiging takbo ng career niya pagbalik niya.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …