MAY pangkaraniwang biro ang mga ninuno ng iba’t ibang lahi at ibang bansa ukol sa hirap na kanilang dinanas noong sila’y nag-aaral pa — kailangan nilang maglakad ng limang milya o mahigit tatlong kilometro, sa malamig na niyebe, at pataas na bundok, para lang makapasok sa kanilang eskuwelahan.
Ngunit para sa ilang mga estudyanteng dedikado sa kanilang pag-aaral sa masukal na barangay sa China, ang nasabing paglalakbay ng kanilang mga lolo’t lola ay walang hirap kung ihahambing sa kanilang dinaranas ngayon.
Imbes maglambitin at umakyat sa pamamagitan ng mga baging para maakyat ang kanilang iskul na nasa ibabaw ng matarik na talampas sa southwestern China, ang 200-taon gulang na barangay ng Atule’er ay kilala bilang isang cliff village, sa mahalagang dahilan.
Ito’y matatagpuan sa ibabaw ng 2,624-talampakan ang taas sa taluktok ng bundok.
Ang populasyon dito’y maliit lamang at bumubuo ng 70 pamilya. Ang komunidad ay self-sufficient at ang karamihan ay nabubuhay sa pagpapatubo ng sili at mais.
Kamakailan, ang local government ng Zhaojue County, na matatagpuan sa Sichuan province, ay gumugol ng US$155,000 sa pagbili ng tulay para sa mga residente dito. Sa ganitong paraan, para na rin itong pagpapaumanhin ng pamahalaan sa kanilang kakulangan sa barangay dahil hindi nila nailalaan ang US$9 mil-yon para sa paggawa ng kalsada mula sa barangay hanggang sa eskuwelahan sa taluktok ng bundok.
Kaya nga ang pinakamatatapang lamang na kabataan, at pinakamalusog na rin, ang nagagawang pumasok para makatanggap ng edukasyon.
Kinalap ni Tracy Cabrera