Monday , December 23 2024

Kanta ni Jose Mari Chan, nakapagpapagaling

NAKATUTUWA ang aming narinig ukol sa sikat na singing icon na si Jose Mari Chan.

Nang minsang mainterbyu ito sa DWWW 744 nina Fred Davies at Joel Gorospe, naikuwento nitong isang pasyente na comatose na ang biglang gumalaw nang marinig ang kanyang awitin.

Ani Jose Mari, minsang may dinalaw siyang pasyente na isa nang comatose. Kinantahan niya raw ito at napansin nilang gumalaw ang mga daliri na ibig sabihin ay nakapagbibigay-buhay ang mga luma niyang awitin.

Bukod dito, isa ring 90 years old ang nabigyan niya ang kasiyahan nang maimbitahan siyang dumalo sa birthday party  nito. Kitang-kita raw doon ang kagalakan nang kantahin niya ang mga old love songs. Dahil talaga namang wala raw itong tigil sa kakapalakpak.

SHOWBIG – Vir Gonzales

About Vir Gonzales

Check Also

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *