Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagpapakilig nina Maine at Alden, nakababagot na

MARAMI ang tumututol pero totoong malapit nang ma-over exposed ang AlDub (Alden Richards at Maine Mendoza). Lahat halos kasi ng malalaking produkto ay napunta na sa dalawa. Nalaglag na ang mga dating artistang endorser.

Nang pumasok naman si Derrick Monasterio medyo nag-iba ang usapin, kaliwa’t kanan ang batikos sa binata at sinasabi pang nagmamaktol na raw at nag-iinarte na kung minsan sa taping si Yaya Dub.

Totoong nakababagot na ‘yung araw-araw na magpakilig sina Alden at Maine pero ‘yan naman ang target nilang dalawa, ang sumikat at magkamal ng maraming pera.

Totoong mayaman si Maine pero iba pa rin ‘yung sariling pera na kikitain n’ya. May gasoline station man sila, sa parents n’ya ‘yon at hindi sa kanya. Huwag lang sanang magbago ng ugali ni Yaya Dub.

Willie, likas na matulungin

TRUE to life stories ang mga kuwento ng mga senior citizen na napapanood saWowowin. No wonder nadaragdagan ang araw ng pagpapalabas.

Wala sa script ang pag-iyak ng mga contestant bago kumanta. Maging si Willie Revillame ay nag-e-emote sa lungkot ng kuwento ng mga senior citizen. Talo pa nga ni Willie ang mga politikong naglalaro lang sa 300 o  500 ang binibigay sa tao.

Si Willie, bukod sa cash, mayroon pang cellphone at jacket, kesehodang nagbabaga sa init ng araw ang nararamdaman ng binibigyan niya. Nagbibigay si Willie ng  walang hinihinging kapalit.

Dapat tularan ng mga politiko si Willie sa pagtulong sa mga mahihirap.

SHOWBIG – Vir Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Vir Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …