Kamakalawa, nabalitaan natin na pumanaw na ang dating alkalde ng Pasay City na si Mayor Peewee Trinidad.
Namatay siya sa edad-86 anyos.
Marami ang nalungkot at umiyak. Marami kasi ang naniniwala na si Mayor Peewee ang da best na alkalde sa kanilang lungsod.
Mula nang mabalitaan natin kamakalawa na pumanaw na si Mayor Peewee, nagbalik-alaala sa atin ang mga nakaraan.
Noon kahit ‘napipitik’ natin sa kolum si Mayor hindi natin siya kinakitaan ng galit. Ibig sabihin hindi siya namemersonal.
Sa halip, siya ay nakipag-usap at ipinaliwanag sa inyong likod kung ano talaga ang isyu.
Kaya riyan naman tayo bilib kay Mayor.
Magtataka pa ba tayo kung lahat ng kanyang constituents ay nais siyang makita kahit sa huling pagrespeto man lang?!
S’yempre hindi na. Kasi mahal nila si Mayor Peewee.
Rest well Mayor Peewee. So long…