Sabit si I/O Enzo Panisa sa Kalibo Airport Palusutan
Jerry Yap
February 19, 2016
Bulabugin
Napag-alaman na isang IO Enzo Panis ‘este’ Paniza pala ng Kalibo Airport ang siyang nagpalabas sa mga pasaherong sina Cherryl Damilo at Ellen Patiag papunta ng Singapore!
Sonabagan!!!
Aba at anong hangin kaya ang tumama sa kukote ng kolokoy at hindi ipinasok sa computer ang record of departure ng mga nasabing pasahero?!
Paniiizz na paniiizz na ang ganitong diskarte IO Paniza!
Sa ganitong diskarte, siyento por siyento na namamasahero si IO Panis ‘este Paniza at kahit alam naman ng lahat na mahigpit na ipinagbabawal ng kasalukuyang commissioner ang human trafficking, itong si IO Enjo ay ‘enjoy na enjoy’ pala sa pagsasalya ‘este’ pagpapalabas ng mga Pinoy na sablay ang mga dokumento!
Balita rin natin na may kaangasan daw sa katawan ‘yang kamote na ‘yan.
May nakapagsabi sa atin na i-check ang facebook account ng nasabing IO at laking pagkamangha natin sa mga nakagugulat na mga posing niyang si IO Enjoy Panis ‘este’ IO Enjo Panisa.
May plano pa yatang palitan si Paquito Diaz sa mga posing niya sa FB na talaga namang masasabi nating pawang conduct unbecoming of an immigration officer!
Hindi ka man lang ba naaawa sa dalawang pasaherong napahamak dahil sa iyo, iho?
Bakit tila nagmamadali ka yatang maging bigtime kaya kahit sablay ang mga dokumento ipinilit mo pa ring palusutin!?
Para bawas konsensiya ‘e mas mabuti sigurong isoli mo sa mga kaawa-awang pasahero ang kinita mo sa kanila dahil hindi mo alam kung paano naghagilap ng kuwarta ang mga ‘yan para lamang ibigay sa ogag na tulad mo?!
Aside from that, hindi pa nag-iinit sa kanyang puwesto si Comm. Ronaldo Geron at baka pati siya ay mapahamak dahil sa katulad mong pasaway!
Konting respeto naman, parekoy!!!
Comm. Ronaldo Geron, it’s about time na ipakita sa mga empleyado na katulad ni Panisa ang iyong kamay na bakal!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com