Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Popularidad ni Gerald, ‘di totoong nabawasan

MABUTI naman at naisipang muli ng Star Cinema na igawa ng isang pelikula siGerald Anderson. Matagal na rin namang naghihintay ang kanyang fans ng follow up sa huli niyang pelikula, at maganda rin naman ang resulta niyon.

Iyang si Gerald ay hindi lamang isang sikat na male star, kinikilala iyang isang mahusay na actor at matagal na naman niyang napatunayan iyan. Hindi lang iyan pang matinee idol, sumasabak din naman siya kahit na sa action, pero sa ngayon, isang romcom ulit ang ipinagawa sa kanya, iyan ngang Always Be My Maybe.

Riyan sa pelikulang iyan, hindi lamang basta artista si Gerald, sinusubukan din ang kanyang kakayahan na magdala ng isang baguhang leading lady. Hindi na rin nga siguro masasabing ganoon kabago si Arci Munoz, pero kung iisipin mo talaga, ngayon nga lang masasabing nagkakaroon siya ng ganyang exposure.

Dahil siguro nakita rin naman nila ang potentials ni Arci, kaya hinanapan nila siya ng isang malakas na leading man, at sino pa nga ba sa mga artista nila ang maaari mong maasahan ngayon maliban kay Gerald?

Kung iisipin ninyo, ano nga ba ang sikreto ni Gerald? Marami ang nagsasabi noon na baka mabawasan ang kanyang popularidad dahil may kaguluhan ang kanyang lovelife. Ang tingin nga kasi ng iba ay masyadong playboy si Gerald. Pero on the contrary, mas lalo pa ngang tumataas ang kanyang popularidad, kasi hindi naman ang kanyang personality lamang ang puhunan niya. Magaling naman talaga siyang actor. Kaya ano man ang sabihin ng ibang tao sa kanya, walang epekto iyon dahil ang nangingibabaw ay iyong kanyang talent at gusto siyang mapanood ng mga tao.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …