HINDI pinapansin ni Maine Mendoza, at mukhang natatawa na lang siya sa mga basher at mga naninira sa kanya. Para sa isang baguhan, hahanga ka rin sa tibay ng kanyang loob. Pero may logic eh, isipin mo nga naman umaabot na sa 4-M mahigit ang followers niya sa kanyang mga social media account, kung may mga makasingit nga bang bashers doon ay imposible? Maganda nga iyong example na narinig namin, “kung sa paraiso dalawa lang ang tao may ahas pa, eh ‘di lalo na kung milyong tao iyan. Ilan ang ahas?”
Natatawa rin kami roon sa sinasabi ng ibang bashers, wala raw karapatan si Maine na matawag na isang superstar. Bakit naman hindi, hindi ba star siya? Hindi ba napatunayan namang mas sikat siya kaysa maraming stars? Ang sino mang mas sikat sa isang karaniwang star ay tinatawag na superstar. Hoy walang may exclusive right na gamitin ang salitang superstar. Generic word iyan.
Sumikat iyang salitang iyan sa ating panahon dahil sa rock musical ninaTim Rice at Andrew Lloy Webber noong 1970, iyong Jesus Christ Superstar. Pero noon pang 1920, ayon sa record may tinawag ng isang superstar, ang hockey player na si Cyclone Taylor. Kaya ipagpatawad ninyo, walang may exclusive right na gumamit ng salitang superstar. Mali ang claim na iisa lang ang superstar. Maski nga ang evangelist na siBilly Graham, tinawag ding superstar. Kaya bago ninyo i-bash si Maine kung tinatawag man siyang superstar sa ngayon, aba eh magbasa-basa rin kayo. Hindi puro bunganga lang ang ginagawa ninyo.
Pero ang totoo, mayroon talagang organized effort para siraan angAlDub. Bakit hindi namin sasabihin iyan, hindi ba kung kung ano-ano ring tsismis ang ikinakalat nila sa internet ngayon tungkol kay Alden Richards? Hindi na natin babanggitin dahil hindi naman natin pinaniniwalaan. Pero sa palagay ninyo, sino nga ba ang maglalabas ng ganyan? Wala kaming pinagbibintangan ha. Nagtatanong lang kami.
HATAWAN – Ed de Leon