MEDYO delayed nga ang labas ng balitang ibinasura ng piskalya ng Quezon City ang isa sa mga reklamo ng aktres na si Sunshine Cruz laban kay Cesar Montano. Narinig na namin iyan two weeks ago. May nagpadala rin sa amin ng kopya ng desisyon ng piskalya. Pero hindi namin inilabas dahil ang alam namin hihingi pa ng reconsideration ang kampo ni Sunshine.
Una, sinasabing hindi naman daw humarap ang mga bata sa piskalya para masabing sila man ay may reklamo rin. Pero ang mga bata ay hindi naman daw ipinatawag ng piskalya para marinig sila. Maraming lumalabas na iba’t ibang katuwiran na sa palagay namin mas dapat na mapag-usapan na lang sa legal venues.
Anyway, sa isang parehas na laban, alam naming lalabas din naman kung ano ang katotohanan at gusto nating hintayin ang araw na iyon.
( Ed de Leon )