TAONG 2016, ito ang katuparan ng TV5 para sa mga bagong panoorin na ilalahad nila sa kanilang tagasubaybay. Ready for airing ang mga show na Ang Panday (Richard Gomez-Alonzo Muhlach), Bakit Manipis Ang Ulap (Claudine Barretto, Diether Ocampo, at Cesar Montano), Born To Be a Star, isang search show hosted by Ogie Alcasid, MTV Pinoy—Lahat ng Dilim (by Erik Matti), at Tasya Pantasya.
Pero may pahabol pa, na isang malaking project na halos puro mga young talent ang mangunguna sa Cignal TV, ang number one. Pay TV service provider with over 1.18 million subscribers (grabe naman) nakae-excite ang sinasabi naming latest at pinakabagong mapapanood sa Kapatid Network, ang Sari-sari Channelon Cignal TV.
Pinaghalo ang classics and fresh local original shows. Excited kami kung ano ang takbo ng show na joint production ng MVP Group’s Mediaquest and Viva Communications. Noong January 15 na ito nagsimula sa ere. Handa na rin ang Sari-sari Channel sa mga top of the line content na mga hottest and top up coming directors and stars.
At muli mapapanood ang isang teen drama mystery thriller, ang Class 3-C Has a Secret, every Saturday (11:00 p.m.) at ang Viva’s young stars ang tampok sina Yassi Pressman, Bret Jackson, at Josh Padilla. Mayroon pang Barrio Kulimlimat iba pa with Ara Mina, Shy Carlos, at Meg Imperial. Ang dami pa. Watch na lang. Hindi paaawat ang TV5.
NO PROBLEM DAW – Letty Celi