MATAGUMPAY na nabuhay ang microscopic creatures na mahigit tatlong dekadang nakayelo.
Ang 1mm long tardigrades ay nakolekta mula sa frozen moss samle sa Antartica noong 1983, ayon sa newspaper na inilathala sa journal Cryobiology. Nilusaw nila ang yelo at nabuhay ang dalawang hayop, na kilala rin bilang water bears o moss piglets, noong early 2014.
Isa sa mga ito ang namatay 20 araw makaraan ang eksperimento, ayon sa ulat ng BBC. Ngunit ang isa pa ay nagpatuloy ang buhay at nagawa pang makapagsilang ng pangatlong tardigrade na napisa mula sa frozen egg.
Naglabas pa siya ng 19 itlog at 14 sa mga ito ang nabuhay.
Ang tardigrades, natatagpuang nabubuhay sa tubig sa buong mundo, ay kilala sa pagiging matibay at sinasabing nanatiling buhay nang ilang araw makaraang isabog sa kalawakan.
Ayon sa Japan’s The Asahi Shimbun newspaper, ang kanilang metabolism ay nag-shut down at pumasok sila sa cryptobiotic state nang mapunta sa low temperatures.
Ang previous record para mabuhay ang tardigrades sa matinding lamig ay walong taon.
“The present study extends the known length of long-term survival in tardigrade species considerably,” ayon sa researchers newly released paper.
Sinabi ni lead researcher Megumu Tsujimoto, nais ng team ngayon na tuklasin ang “mechanism for long-term survival by looking into damage to tardigrades’ DNA and their ability to repair it.”
Malayo pa ang lalakbayin ng tardigrade para maitala ang record ng pananatili sa frozen state at mabuhay, na kasalukuyang hawak ng nematode worm, 39 taon sa deep freeze bago nabuhay. (THE HUFFINGTON POST)