SIMULA pa lang ng festival magulo na. Naroon iyong usapan tungkol sa “ticket switching”. Bukod doon, aba eh talagang nagpaparamihan ng press release sa social media ang dalawang pelikulang parehong nagsasabi na sila ang top grosser. Iba ang report nila sa social media na sila-sila rin ang naglalabas kaysa mga lumabas na report mula sa lehitimong media.
Lahat ng iyan ay partial unofficial dahil dapat ang MMDA lang ang magsabi kung magkano nga ba ang kinita ng mga sinehan sa unang dalawang araw. Iyang top grosser ay base lamang sa dalawang araw.
HATAWAN – Ed de Leon