Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sunshine, maganda pa rin ang outlook sa buhay kahit may mga pinagdaraanan

122115 sunshine cruz
MAY magandang attitude ni Sunshine Cruz kahit may pinagdaraanang  problema ay maganda pa rin ang outlook sa buhay.

“Kailangan po kasi ganoon, kasi ang iniisip ko hindi lang ang sarili ko. Kailangang isipin ko rin ang kinabukasan ng aking mga anak. Siguro kung wala akong anak, kagaya lang ng dati na hindi ako maghahanap ng trabaho, pero ngayon kailangan eh kasi ako lang naman ang sumusuporta sa mga anak ko. Minsan may natatanggap sila, hindi naman kasya, kaya ako pa rin ang kailangang kumilos ng lahat ng mga kailangan naming mag-iina,”pagtatapat ni Sunshine.

Ang ipinagpapasalamat nga lang niya, simula noong magbalik siya sa showbusiness ay hindi naman siya nawawalan ng trabaho.

“Noong una, takot din ako. Uncertain kasi ako eh. Matagal akong tumigil sa trabaho at saka hindi naman maide-deny na maraming mga bagong artista na mahuhusay at mas bata pa. Natural may advantage na sila over us, iyon nga lang ang maipagmamalaki siguro namin ay iyong experience. Pero bukod doon may natutuhan pa ako, iyong mahusay na pakikisama mo sa mga tao, malaking bagay talaga iyon sa showbusiness. Kasi pagdating ng araw, sila mismo ang magre-recommend sa iyo dahil gusto ka nilang makasama sa trabaho,” sabi pa ng aktres.

Pero paano naman ang kanyang lovelife? Totoo ba na may mga manliligaw na siya?

“Iyon ang sinasabi ng mga gumagawa ng tsismis about me. Pero sa totoo lang wala akong time dahil sa rami ng trabaho ko. Siguro nga may mga taong idle, walang trabaho, kaya may panahon sila sa tsismis, pero iyong maraming trabaho na kagaya ko, hindi ko naiisip iyan. Pati iyang love life, hindi ko naiisip iyan dahil sa rami ng trabaho ko. Kung ano man iyong natitira ko pang oras, gusto ko naman iyong ibigay sa mga anak ko,” sabi pa ni Shine.

Marami pang tsismis na narinig namin, na naikuwento nga namin kay Sunshine, pero ayaw niyang mag-react. Nagtatawa na lang siya. Tama naman iyon after all hindi na niya problema iyon.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …