SA Christmas Party for the Press ng TV5 na ginanap sa Novotel, nag-blind item ang isa sa mga bagong executive nito na si Atty. Bebong Osorio na isang sikat na singer/actress ang lilipat sa Kapatid Network na sinegundahan naman ni Boss Vic del Rosario at sinasabing tinatapos na lang daw nito ang kontrata sa isang network.
Marami ang humula na baka si Sarah Geronimo ito. Or baka ang JaDine (James Reid at Nadine Lustre).
Ang Viva na ang may hawak ng buong entertainment ng TV5 at marami silang mga pasabog na shows sa 2016.
MAKATAS – Timmy Basil